Hay naku, Salve A., tiyak na pag-uusapan nang husto ang recent album launch ng controversial singer-actress na si Gretchen Barretto ng kanyang second album under Star Records na Complicated dahil kahit wala sa agenda nung hapong ‘yon ang pa-raffle, ang dalawang suot nitong Bulgari na singsing ay kanyang pina-raffle dahil na rin sa kantiyaw namin.
Napakadali palang makantiyawan si Gretchen. Mas ginusto pa nitong ipamigay ang kanyang dalawang mamahaling singsing kaysa sa kanyang suot na mamahalin ding sapatos. And guess what, Salve A. kung sino ang pinalad ng hapong ‘yon na makuha ang dalawang singsing? Kami lang naman ng kasamahang si Chit Ramos! Ang dala-wang Bulgari ring ay parehong may nakaukit na pangalan ni Gretchen which made it memorable para sa amin.
Samantala, marami ang nag-react sa mga nakakita ng bagong MTV ni Gretchen para sa carrier single ng album, ang remake ng awitin ni Barry Manillow na Ready To Take A Chance Again dahil may pagka-sensual ang dating nito na magki-cater lamang sa adult audience. Ang nasabing MTV ay dinirek ni Raffy Francisco. Sa halip na maalarma, natuwa pa si Gretchen dahil pinag-uusapan ito ngayon.
Inamin ni Gretchen na lahat ng 14-cut ng kanyang second album under Star Records ay may kinalaman sa kanyang buhay pag-ibig.
Ang mga awiting Never My Love at The Trouble with Hello is Goodbye ang mga awitin na gusto niyang ihandog sa kanyang longtime partner and love of her life na si Tonyboy Cojuangco.
Sa edad na 39, marami nang pinagdaanan si Gretchen.
Aminado si Gretchen na hindi siya perfect dahil wala naman umanong perpektong tao at hindi rin umano perfect ang buhay.
Isang bukas na aklat ang buhay ni Gretchen kaya wala siyang itinatago.
* * *
‘Untouchable’ ang tawag sa not so young pretty actress na ito na nakakontrata sa isang major TV network dahil sa kabila ng pagiging maldita at unprofessional ng nasabing aktres ay hindi ito nawawalan ng proyekto dahil ‘protected’ umano ito ng isang top executive ng TV network na kinabibilangan nito. Kahit hindi na ang aktres ang current ‘apple of the eye’ ng isang executive at marami nang naglabasang mas batang aktres, hindi pa rin natitinag ang nasabing aktres sa kanyang kinalalagyan.
Bakit kaya, Salve A?
* * *
I-deny kaya ni Angel Locsin na naging mag-on sila ni Marvin Agustin nung kasalukuyan pa nilang ginagawa ang Asian Treasures with Robin Padilla?
Naging short-lived umano ang relasyon nina Angel at Marvin dahil lumipat ng TV network ang una.
Loveless si Marvin ngayon pero going strong naman ang relasyon nina Angel at boyfriend nito ngayon na si Luis Manzano.
* * *