Demanda sa writer ng PEP itutuloy ni Annabelle Rama
Invited ako sa presscon kahapon ng PEP at pumunta ako para malaman ko ang puno’t dulo ng galit sa kanila ng Gutierrez family.
Nag-apologize ang PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon para kay Richard Gutierrez, Michael Flores at Jeffrey Quizon dahil ang mga pangalan nila ang nabanggit sa article na lumabas sa PEP pero na-pull out kaagaad.
Nag-apologize si Mama Jo-ann dahil na-upload kaagad ang article nang hindi pa kumpleto ang kanilang imbestigasyon.
Nag-apologize siya at inamin niya na may mga loopholes sa kuwento pero hindi satisfied si Annabelle Rama.
Hindi natutuwa si Bisaya sa apology at sa presscon na ipinatawag ni Jo-Ann dahil hindi raw nito inabswelto si Richard.
Hindi raw sinabi ni Jo-Ann na hindi totoong nangyari ang insidente na tinutukan ng baril ni Richard si Michael.
Gusto ni Bisaya na linisin ni Mama Jo-Ann ang name ni Richard pero hindi binawi ni Mama Jo-Ann ang kuwento na inilabas ng PEP noong linggo dahil wala raw siyang alam sa nangyari. Bakit daw niya babawiin ang kuwento na hindi naman niya na-witness?
Imbes na matapos ang isyu, lalo pa itong lumaki. Ang dinig ko, itutuloy ni Bisaya ang planong pagdedemanda sa writer ng PEP para magkaalaman kung saan nanggaling ang kuwento na tinutukan ni Richard ng baril si Michael.
* * *
Nag-deny na si Michael, si direk Mark Reyes at ang ibang mga bisita na dumalo sa birthday party ng huli.
Nanindigan sila na hindi nag-away sina Richard at Michael at lalong walang nangyari na tutukan ng baril.
Nag-wonder din ako. Kung nag-deny ang lahat ng saksi, saan at sino ang nag-umpisa ng kuwento?
Isa lang ang sure ako, napakasuwerte ni Michael dahil bigla siyang pinag-uusapan. Nanahimik si Michael at ang kanyang career pero in demand siya ngayon sa mga showbiz talk shows.
Takang-taka si Michael dahil nasangkot siya sa isang gulo na hindi nangyari pero hindi binabawi ng PEP. May dahilan para maloka at magtaka si Michael.
* * *
Awang-awa naman si Jun Lalin kay Richard dahil nasangkot ito sa isang gulo na hindi naman daw nangyari.
Hindi napigilan ni Jun na magpainterbyu, in defense of Richard. May sariling moment si Jun dahil napaluha siya habang ipinagtatanggol si Richard.
* * *
Mula sa presscon ng PEP, nagpunta ako sa Makati dahil may inasikaso ako sa isang sosyal na tindahan sa Greenbelt.
Naglalakad ako nang biglang may bumati sa akin na isang buntis na babae. Hindi ko agad nakilala ang babae dahil nakasuot ito ng shades.
Nagpakilala pa ang girl na siya si Dawn Zulueta. Ang ganda-ganda ni Dawn. Malaki na ang kanyang tiyan pero nakalimutan kong itanong kung kailan siya manganganak.
Basta ang sey ni Dawn, babae ang magiging second baby nila ng kanyang mister na si Congressman Anton Lagdameo. Eh lalaki ang panganay nila kaya kumpleto na ang pamilya ni Dawn.
Magandang magbuntis si Dawn. Ang tiyan lamang niya ang malaki pero hindi lumobo ang kanyang katawan.
- Latest