Bangkero Festival ng Pagsanjan may BANDigmaan

MANILA, Philippines - Ipagdiriwang ng bayang Pagsanjan, ang tina­gu­riang “tourist capital” ng Laguna, ang ika-11 Pag­san­jan Bangkero Festival mula ngayong Marso 31 hanggang Abril 4.

 Ayon kay Mayor Jeorge (ER Ejercito) Estre­gan, ang festival ay may paksang Turismo Mismo: Ugat ng Pagkakaisa, Kapayapaan at Kaun­laran! na naglalayong bigyang pansin ang pangangalaga sa kapaligiran at promosyon ng industriyang panturismo ng Pagsanjan.

Itinatag ni Mayor Ejercito ang Bangkero Festival upang ang makasaysayang bayan ay patuloy na dayuhin ng mga turista.

Sinabi niyang ang pagdiriwang ay isang pag­pupugay sa kanilang patron—ang Nuestra Señora de Guadalupe, gayundin sa mga bangkero na nag­da­da­la ng mga turista sa Pagsanjan Falls at nag­sisil­bing “frontliners” sa lokal na industriyang panturismo.

Magkakaroon din nang pagtatanghal mu­la sa BANDigmaan Bat­tle of the Bands, Ba­­yanihan Philippine Na­tional Dance Com­pa­ny, Shirley Halili-Cruz Ballet Company, Douglas Nierras Pow­erdance, at Sining Ka­tu­tubo Dance Assem­bly.

Ang iba pang mga aktibidad ay ang Lakan at Binibining Pagsan­jan, Ginoong Pagsan­jan Bangkero, Pala­rong Bangkero at inter-school videoke chal­le­nge, street dancing, pa­tim­palak sa drum and lyre, at iba pa.

Para sa detalye, tumawag sa 049-808­4057.

Show comments