^

PSN Showbiz

Baguhang singer inisnab ni Ramielle Malubay

- Veronica R. Samio -

Si Shane Ortiz ay isang baguhang singer na gustong gumawa ng pangalan dito sa Pilipinas. Sa Amerika siya isinilang pero sinamahan ng kanyang mga magulang na parehong taga-Nueva Ecija na pumunta ng Pilipinas para ibahagi ang talentong ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.

Nauna niyang plinanong sumali sa American Idol since US citizen naman siya pero nataon ang audition nito sa kanyang mga exams sa eskwela kung kaya hindi siya napasali. Nasa unang taon pa lang siya sa kolehiyo sa Amerika. Babalikan din niya ito at ipinangakong tatapusin pagbabalik niya mula sa pagbabakasakali na makilalang singer dito sa bansa ng kanyang mga magulang at itinuturing na rin niyang sa kanya.

My album na nagawa si Shane sa Aeon Records at ipinamamahagi locally ng PolyEasy Records. Ito ang How Am I, Shane Ortiz na naglalaman ng walong original songs (Sensya Na, Dreamin’ of You, First Love, Maalala Mo Rin Ako, Anong Petsa Na, Sana, mga komposisyon ni Guian Carlo Zabala) at dalawang revivals (Mr. Disco, isang komposisiyon ni Norman Caraan na isinaayos muli ng Brown Republic, at How Am I Supposed to Live Without You na pinasikat nina Michael Bolton at Laura Brannigan).

Labingsiyam na taong gulang lamang si Shane at bunso sa dalawang magkapatid. Lalaki ang una at may edad na 32. Pangarap niyang makagawa ng pangalan dito sa local entertainment bilang isang singer at artista rin.

May isa siyang kwento tungkol sa isang kababayang Pinoy na naging finalist ng American Idol, si Ramielle Malubay. Hangang-hanga siya rito at nang una niya itong makita sa Florida airport ay talagang nag-effort siyang malapitan ito para makapagpakuha ng larawan na kasama ito. Pero sa halip na pagbigyan siya ay hinatak pa nito ang kasamang boyfriend papalayo sa kanya.

“I didn’t feel bad about it. Baka may problema siya ng oras na iyon,” katwiran niya.

* * *

Isang magandang mall na pala ang dating istasyon ng mga bus ng Victory Liner sa Caloocan City. Victory Central Mall ang tawag dito at napakaraming mga stalls sa loob na nagbebenta ng mga murang tinda. Bukod pa ito sa mga tindahan na normal nang nakikita sa ibang mga malls.

First time kong nabisita ang lugar nang maimbita ako sa launching ng UFX (United Fighting Xtreme), isang mixed martial arts competition na malapit nang mapapanood sa TV. Magsisilbing host sina Will Devaughn at Princess Ryan. Labanan ito hindi ng mga professional fighters kundi ng mga amateurs sa taekwondo, jiu-jitsu, aido, karate, kungfu, boxing, wrestling, kickboxing at grappling. Mapapanood ito ng live sa Abril 19, Mayo 10, Mayo 24, at Hunyo 14 sa 6th floor ng Victory Central Mall. Kung gusto n’yong manalo ng P50,000. Sali na kayo!

Producer ng UFX ang Jumpstart, Inc. at Fahrenheit FX. Isang season o 13 weeks itong mapapanood sa nationwide TV. Bawat episode ay magtatampok ng pitong laban sa mixed martial arts. Maglalaban ang mga mananalo sa weekly championships hanggang makakuha ng apat na monthly finalists na maglalaban sa isang bonggang grand finale.

Si Maegan Aguilar ang gumawa ng theme song ng UFX na ga­gamitin sa promo nito.

* * *

Tumigil ang mundo ng mga tagahanga ng toprating teleserye nang ‘mamatay’ si Dave. Umalma ang mga tagahanga ni Jake Cuenca sa nangyari.

Noong Lunes, isang kakaibang Dave Garcia ang nakita. Buhay ito! Ngayong nagbabalik na ito sa Tayong Dalawa, isa-isa niyang ilalahad ang naging paghihirap niya sa kamay ng mga rebeldeng kumupkop sa kanya.

Sabi nga ni Jake, “Totoong-totoo yung mga eksena. Torture talaga! Yun na yata ang pinakamahirap na eksenang nagawa ko sa buong buhay ko.”

Maghihiganti kaya siya laban sa mga taong inakala niyang nagpabaya sa kanya? Kasama kaya sina JR (Gerald Anderson) at Audrey (Kim Chiu)?

vuukle comment

AEON RECORDS

AMERICAN IDOL

ANONG PETSA NA

BROWN REPUBLIC

ISANG

SHANE ORTIZ

SIYA

VICTORY CENTRAL MALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with