^

PSN Showbiz

Isasara Na, negosyong sports wear ni Angel nalugi; Jewel ayaw magpa-interview

-

MANILA, Philippines - Seen : Hindi na exciting panoorin si Patani. Trying-hard na siya. Wala nang epekto sa televiewers ang kanyang carabao English. May sawa factor na siya.

Scene : Pang-newscast na ang damit na suot ni Mel Tiangco sa 24 Oras noong Biyernes.

Bagay sa kanyang edad ang damit. Lalong nagmukhang respetado si Mel.

Seen : Ang pangha-harrass ni Lalaine Garcia-Jimenez sa mga reporter na ayaw patulan ang kanyang kuwento na naanakan siya ni Aljon Jimenez.

Walang maipakitang ebidensiya ang accuser ni Aljon. Huwag niyang asahan na seseryosohin siya ng mga reporter.

Scene : May mga bagong akusasyon si Manny Pacquiao laban sa ABS- CBN. Anuman ang sabihin ni Manny, siya pa rin ang nagdesisyon na makipag-usap sa ABS-CBN.

Alam niya na may kontrata siya sa Solar Sports. Huwag na siyang magdamay ng ibang tao. Buntot niya, hila niya.

Seen :  Ang sagot sa kawalan ng balita o press release tungkol sports wear line business ni Angel Locsin.

Isasara na ni Angel ang kanyang negosyo dahil hindi ito nababagay sa kanya. 

Scene : Ang pagtatanggol kay Rey Abellana ng mga concerned citizen. Si Rey ang lumapit sa Imbestigador upang mahabol ang agency na ayaw bayaran ang talent fee para sa commercial na ginawa ng kanyang dalawang anak.

Seen : Ang guesting ngayon sa ASAP ng international R&B artist na si Craig David.

Kakantahin ni Craig ang acoustic version ng Insomnia, ang kanyang sikat na kanta na dedicated sa Filipino fans niya.

Scene : Ayaw ni Jewel Mische na magpainterbyu tungkol sa kanyang lovelife.

Ayaw ni Jewel na mapagbintangan na manggagamit siya.

vuukle comment

ALJON JIMENEZ

ANGEL LOCSIN

AYAW

CRAIG DAVID

HUWAG

JEWEL MISCHE

KANYANG

LALAINE GARCIA-JIMENEZ

MEL TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with