Recession 'di uso sa laban ni Pacman

MANILA, Philippines - OK na si Jennylyn Mercado matapos magkaroon ng infection sa kanyang tahi sa operasyon sa panganganak. Nagsimula raw sa skin infection na malamang ay kinamot ng aktres kaya bumuka ang tahi ng kanyang operasyon. Pero hopefully today, makakalabas na ang aktres. May official statement ang kanyang OBGyne na si Dr. Judy: “Started as skin irritation or we call it folliculitis, unfortunately almost near the CS scar, which got infected so we have to do wound debridement and three stitches suturing. Presently, she’s on antibiotics and pain reliever. Bed rest muna for two-three days.”

* * *

Maraming Pinoy ang gumastos para manood ng laban ni Manny Pacquiao sa May 2 sa Las Vegas. Sa lower box pa lang, $1,000 ang worth ng tickets – almost P50,000 plus airfare and accommodation. So all in all, mga P300,000 to P400,000 ang gagastusin ng isang manonood.

Marami-raming Pinoy ang lilipad sa Amerika para sa nasabing laban. Na parang wala namang recession na nararamdaman.

Pero yung ibang lilipad naman daw ng Amerika para sa laban, libre ang ticket na bigay mismo ng Hari ng Kamao. “Marunong siyang tumanaw ng utang na loob. Yung mga dating trainer niya sa Malabon, binibigyan niya pa rin ng tickets para panoorin siya sa Amerika,” sabi ng isang taga-Malabon na kilala ang mga dating trainer ni Pacman.

Sana nga manalo si Pacman dahil si Martin Nievera ang unang masisisi ’pag nagkataon. Ang Concert King ang kakanta sa nasabing laban ni Manny dahil nauna na itong nai-commit ni Pacman.

Gaya nang nasulat namin, gusto sanang kumanta ni Lea Salonga dahil gustong manood ng laban ang asawa niya, pero naunahan na nga siya ni Martin.

Show comments