Jessa ginagamit si Rachel para pag-usapan

MANILA, Philippines - Seen : Ang pakiusap ni Girlie Rodis kay Jessa Zaragoza na naka-post sa kanyang Facebook account. “Jessa, please stop this already! I know I shouldn’t let this article get to me but I am really getting tired of Jessa’s PR slants. Too bad because the recent show of Dingdong & Rachel (Music & Lyrics) was really good, very entertaining and a lot of fun. But this Jessa just needs to call attention to herself.”

Si Girlie ang manager ni Rachel Alejandro.

Scene : Tinawag na insecure si Jessa Zaragoza ng kapatid ni Rachel na si Barni Alejandro. Pinagsabihan ni Barni si Dingdong Avanzado na awatin si Jessa kung gusto niya (Dingdong) na maging magkaibigan pa sila ni Hajji Alejandro.

Back-off Jessa... back-off!

Seen : Ang sentimyento ni Regine Velasquez na inaabuso ni Kuh Ledesma ang kanilang friendship.

Si Kuh ang co-producer ng Divas 4 Divas concert tour sa US. Nagrereklamo si Regine na tinitipid sila ni Kuh gaya ng red eye flight kahit pagod at puyat sila dahil mura ang pamasahe sa eroplano kapag madaling-araw ang biyahe.

Scene : Nakakatawa ang pahayag ni Diether Ocampo na inilalayo niya sa limelight ang kanyang girlfriend.

Believable ang statement ni Diether kung inaawat niya ang sarili sa pagpapainterbyu sa mga showbiz talk show tungkol sa girlfriend niya.

Seen : Ang report ng Box-Office Mojo sa mga pelikula na ipinalabas sa Pilipinas mula March 18 to March 22, 2009.

Matamlay ang box-office performance ng GMA Films’ Sundo.

Show comments