Nicolas Cage mahilig sa superhero role

MANILA, Philippines - Alam ba ninyong si Ni­colas Cage ay ma­hilig sa komiks? Sa ka­tuna­yan ang isa niyang anak ay pina­ngalanan niyang Kal-el na birth name mismo ni Su­per­man.

Kaya kahit sa peliku­la’y mas ganado si Nick pag ala-superhero ang kan­yang papel tulad sa National Treasure, The Rock, Con-Air, Gone in 60 Seconds, Face-off, Ghost Rider at marami pang iba na pa­wang nag-hit sa takilya.

Ngayon, isa siyang astrophysics professor na may pambihirang galing sa napakamaaksyong sci-fi thriller, ang Knowing. Punumpuno ng special ef­fects na talaga namang gigimbal sa kamalayan ng sinuman, ito ay inihahanlintulad sa klase ng pe­­li­kulang patuloy na pag-uusapan kahit matagal nang napanood.

Dinirihe ni Alex Proyas (I Robot), ang Knowing ay nagtatampok kina Rose Byrne (Troy) at Chandler Canterbury (The Curious Case of Benjamin Button).

Show comments