Nicolas Cage mahilig sa superhero role
MANILA, Philippines - Alam ba ninyong si Nicolas Cage ay mahilig sa komiks? Sa katunayan ang isa niyang anak ay pinangalanan niyang Kal-el na birth name mismo ni Superman.
Kaya kahit sa pelikula’y mas ganado si Nick pag ala-superhero ang kanyang papel tulad sa National Treasure, The Rock, Con-Air, Gone in 60 Seconds, Face-off, Ghost Rider at marami pang iba na pawang nag-hit sa takilya.
Ngayon, isa siyang astrophysics professor na may pambihirang galing sa napakamaaksyong sci-fi thriller, ang Knowing. Punumpuno ng special effects na talaga namang gigimbal sa kamalayan ng sinuman, ito ay inihahanlintulad sa klase ng pelikulang patuloy na pag-uusapan kahit matagal nang napanood.
Dinirihe ni Alex Proyas (I Robot), ang Knowing ay nagtatampok kina Rose Byrne (Troy) at Chandler Canterbury (The Curious Case of Benjamin Button).
- Latest