Young actress ginugulo ng ka-live in ng BF

Hindi masuwerte sa pag-ibig ang magandang young actress na produkto ng isang reality search dahil palpak ang mga nakakarelasyon nito. Ang unang boyfriend na nasa showbiz na gaya rin niyang struggling newcomer at dahil mas malakas siyang kumita, hindi naiwasang gastusan niya ang lalaki.

Naging boyfriend din ng young star ang isang sikat at guwapong actor, pero itinatago naman siya. From day one ng kanilang relasyon, super deny ang actor sa press na nobya niya ang young actress, ito’y kahit nakikita siyang inuumaga sa condo unit nito. Hanggang natapos ang kanilang relasyon, hindi inaamin ng actor na naging dyowa niya ang young actress.

Non-showbiz ang bagong karelasyon ng young star ngayon at malaking problema ang ibinibigay nito sa kanya. May ka-live in ang lalaki bago naging sila at ginugulo nito ngayon ang young star. Madalas, sinusugod ng babae sa condo niya ang young star, inaaway at iniiskandalo. Umiiyak na lang daw ito sa awa sa sarili, pero dahil in love sa BF, hindi niya ito maiwan kahit iniiskandalo siya ng ex nito.  

* * *

Ayaw kumpirmahin ni Jennica Garcia at ng manager nitong si Manny Valera ang kumakalat na tsika na sa young actresss ibibigay ng GMA 7 ang role ni Andie Go sa Pinoy adaptation ng Coffee Prince. Ayaw daw nilang pangunahan ang network at hihintayin na lang nila na ang Channel 7 mismo ang mag-announce tungkol dito.

Lalong ayaw magsalita ni Jennica sa tsikang si Dennis Trillo ang makakapareha niya sa Coffee Prince at gaganap naman sa role ni Arthur. Nagkasama na sila sa Gagambino bilang magkapatid, pero gagawan ’yan ng paraan ng istasyon para bumagay silang magka-loveteam. Ito ay kung totoong sila na nga ang magbibida sa Coffee Prince.

 May mga tinanong na kaming taga-Channel 7 tungkol dito at ayaw nilang magsalita. Ang laging sinasabi’y may inihahanda silang big project kay Jennica this year. As for Dennis naman, hindi na raw ito matutuloy sa afternoon drama na Muling Buksan ang Puso at isang pang-primetime series na ang gagawin.

Ang Coffee Prince na kaya yun?

Samantala, masaya si Jennica dahil kinuha siyang endorser ng Bioessence at ang may-ari nitong si Dr. Emma Guerrero ang nag-welcome sa kanya nang pumirma siya ng kontrata.

* * *

Ang bilis namang nagtapos ng relasyon nina Polo Ravales at Bianca Paz dahil balita namin, break na sila. Parang kailan lang nang ipakilala ng actor sa amin ang dalaga na “my girlfriend Bianca,” tapos ngayon, hiwalay na pala sila.

Nakita pa si Polo na nagtsi-cheer kay Bianca sa Bb. Pilipinas beauty pageant, kung saan sumali ang dalaga. Wala naman sigurong kinalaman ang pagkatalo ni Bianca sa contest sa paghihi­walay nila. Hindi visible ang actor ngayon, kaya ’di natatanong sa kanyang lovelife.

* * *

Pinanood namin ang mga eksena nina Mark Anthony Fernandez at Iza Calzado sa All About Eve at bagay naman sila, contrary sa inerereklamo ng mga fans ng actor na hindi sila bagay.

 Parehong magaling na artista ang dalawa at madadala nila ang kanilang role. Trust them!

Show comments