Paliwanag ni Manny ayaw tanggapin; Dyan dapat magsalita

Ayaw tanggapin ng madlang-people ang sina­bi ni Manny Pacquiao na ang abogado ng ABS-CBN ang gumawa ng statement na binasa niya.

Para sa madlang-people, may sariling bait si Manny. Hindi na siya basta bagets na madaling masulsulan.

Si Manny pa rin ang sinisisi nila dahil malinaw ang kanyang siney sa video, na siya ang lumapit sa ABS-CBN para maging media partner.

May closure na ang isyu dahil sa presscon na ipinatawag ng GMA Network at Solar Entertainment noong Lunes.

Puwede nang mag-concentrate si Manny sa kanyang training sa Wild Card Gym dahil wala na siyang dapat alalahanin.

* * *

Si Dyan Castillejo ang pinagbibintangang naging broker sa nabulilyasong paglipat ni Manny sa ABS-CBN.

Type kong marinig ang paliwanag ni Dyan, may kinalaman ba siya o wala? Malapit si Dyan kay Manny at close din siya kay Gabby Lopez, ang big boss ng Kapamilya network.

Palaging nadadamay si Dyan sa mga kon­trobersyal na isyu na may kinalaman kay Pac­quiao.

Walang mawawala kung ipagtatanggol niya ang sarili. Hindi siya maipagtatanggol ni Manny dahil busy na ito sa training.

* * *

Hindi na ako nakapunta noong Lunes sa presscon ni Navotas Mayor Toby Tiangco at ng kanyang kapatid na si John Rey.

Inantok ako dahil marami akong kinain sa treat ni Papa Ricky Lo para sa staff ng Startalk at The Ricky Lo Exclusives sa Cabalen.

Hindi ko tuloy na-meet si John Rey, ang younger brother ni Mayor Toby na katulad niya na good looking at puwedeng artista.

Last term na ni Papa Toby bilang alkalde ng Navotas City. Kakandidato siya na congressman sa 2010 at si John Rey naman ang tatakbo na mayor.

Maganda ang record ni Papa Toby sa Navo­tas kaya susuportahan din si John Rey ng kani­lang mga kababayan.

Kilalang-kilala ni AiAi delas Alas si John Rey. Naging instant crush ni AiAi si John Rey nang mag­kita sila sa show para sa foundation day ng Navotas. Hindi nakaligtas si John Rey sa malikot at mapaglarong kamay ni AiAi.

* * *

Congrats kay Gina Pareño dahil nag-win siya ng best supporting actress sa Asian Film Awards na ginanap sa Hong Kong noong Lunes!

Muling pinatunayan ni Gina ang husay ng mga Pilipino sa pag-arte. Maraming acting awards ang napanalunan niya sa ibang bansa. World class talaga tayo. Tayo raw o!

Puwedeng-puwede na siyang bigyan ng star sa Walk of Fame sa Eastwood. Teka, baka naman meron na siya? Matanong nga si Kuya Germs para hindi na nage-emote ang mga fans ni Gina.

* * *

Mataas ang rating ng pilot episode ng Wow Hayop noong Miyerkules kaya nagre-rejoice ang staff ng show nina Wally Bayola at Jose Manalo.

Alam nila na magugustuhan ng mga teleview­ers ang Wow Hayop pero hindi ine-ex­pect ng staff ang bonggang rating.

Lalo raw silang ginanahan na pagandahin ang bawat episode ng programa. Tiniyak nila na marami pa ang mga kahayupan ng mga hayop ang ipapakita nina Wally at Jose.

Show comments