Mabuti at sa GMA 7 pa rin mapapanood ang laban ni Manny Pacquiao kay Ricky Hatton dahil kung natuloy lumipat sa ABS-CBN si Manny, magkakaroon ng major revision sa script ng Totoy Bato.
Nakuwento ni Robin Padilla sa premiere night ng Sundo na kukunan ang laban nina Pacquiao at Hatton at ipalalabas sa Totoy Bato dahil kasama yun sa istorya.
Ibinalita rin ni Robin na inimbita siya ni Manny at ilang cast ng action series na manood ng laban nito sa May 2 sa Las Vegas at kung matutuloy siya, first time niya itong mapapanood na nakikipaglaban at sa Amerika pa.
Sa mga nainis kay Manny sa paiba-iba nitong desisyon, si Robin na ang nagsasabing mabait ang boxing champ na una niyang nakilala sa Elorde Gym. Kahit daw nasasaktan ito sa Totoy Bato, hindi nagrereklamo at naghihintay kunan ang mga eksena.
* * *
Nabalitang hindi na ni-renew ng Blue Water Spa ang kontrata ni Marian Rivera bilang endorser nito at kinuha si Karylle bilang kapalit niya. Ang hindi pagdalo ng actress sa mga events ng spa ang isa raw sa mga rason kung bakit kumuha ng ibang female endorser na makakasama ni Piolo Pascual at si Karylle iyon.
Noong isang araw, may nakita kaming press release sa dyaryo na opening ng bagong branch ng spa at sina Marian at Piolo ang nag-cut ng ribbon. Ano ba ang totoo? In pa ba o out na ang actress na endorser nito?
Nang makausap si Marian kamakailan, ang alam nito’y endorser pa rin siya ng spa, pero hindi na si Piolo ang makakasama kundi ang Japanese-Brazilian model na si Akihiro Sato. Hindi raw niya alam kung nabago ang usapan ng management at manager niyang si Popoy Caritativo at sa press lang niya nalamang kinuha si Karylle na endorser ng spa. Busy ang actress sa taping ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na lalong gumaganda ang story.
Gaya sa episode mamaya, magsusumbong si Shiela (Francine Prieto) kay Rado (Paolo Contis) na may relasyon sina Proserfina (Marian) at Homer (Dingdong Dantes). Malalaman naman ni Heleen (Angelu de Leon) na buntis siya at gustong akuin ni Homer ang dinadala.
* * *
Bukas na, ang relaunching ng Born To Be Wild at kapalit ni Romi Garduce na nag-resign bilang co-host ni Doc Ferds Recio ang Survivor Philippines 1 castaway na si Kiko Rustia. Big break ito kay Kiko na dati’y nagpi-pinchhit lang kay Romi and obviously, nagustuhan ng GMA Public Affairs ang ipinakita, kaya kinuha siyang regular co-host.
Walang uurungang task si Kiko, kaya makaka-expect ang mga viewers ng first local weekly wildlife and environment program ng mga kakaiba nitong gagawin. Nakuwento ni Kiko na sa Cagayan Valley ang location ng first episode niya.
Tuloy naman si Doc Ferds sa kanyang action-packed stories tungkol sa state ng wildlife at different issues facing habitat and environment destruction. Mapapanood ang Born To Be Wild after Saksi.
* * *
“Our angel,” ang turing ng childstar na si Mica dela Cruz sa baby boy na isinilang ng kapatid niyang si Angelika dela Cruz. Excited ang bagets sa pagdating ng pamangkin at sa presscon ng T2, kung saan nakipagsabayan siya ng acting kay Maricel Soriano, ang pamangkin ang bukambibig nito na ikatutuwa tiyak ni Angelika.
Of course, magiging proud din si Angelika sa 10-year-old sister dahil puring-puri ito nina Maricel at direk Chito Roño. Sabi ng director, ang powerful eyes ni Mica ang rason kung bakit ito ang napili niya sa maraming nag-audition na bata.
Husay sa acting at pagiging propesyonal naman ang nakita sa kanya ni Maricel. Itsinika nito sa press na kahit inaantok na at nagyayaya nang umuwi si Mica, ’pag tinawag ni direk Chito, nawawala ang antok. “She delivers,” patungkol ni Maricel sa bagets. Sa April 11 ang playdate ng horror movie tungkol sa mga engkanto.