Pacman may kontrata ring pinirmahan sa ABS-CBN

MANILA, Philippines - Nilapitan ni Manny Pacquiao ang ABS-CBN para maging media partner niya sa pagpa­palabas ng mga susunod niyang laban. Nagpapasalamat kami sa kanyang tiwala sa ABS-CBN sa ginawa niyang hakbang. Pumirma siya ng kontrata sa amin, pero hindi kami magiging hadlang sakaling magbago ang kanyang isipan. Iginagalang namin ito. Hangad namin ang makabubuti sa kanya at kami ay naghihintay sa kanyang magiging pahayag.

Ito ang official statement ng ABS-CBN tungkol sa pagbabago ng isip ni Manny Pacquiao tungkol sa paglipat sa kanila.

Today, isang presscon ang ipinatawag ng GMA 7 at Solar Sports executives. Magkakaroon ng live phonepatch si Pacman. Inaasahang magpa­pali­wanag siya sa naging desisyon niyang lumipat sa ABS-CBN para ipalabas sana ang laban nila ni Ricky Hatton. Bakit siya pumirma ng kontrata sa ABS-CBN? At paano pa tatanggapin ng GMA Network ang asawa niyang si Jinkee na nagpa-interview na agad at sinabi niyang matagal nang gustong magbalik-Kapamilya ang kan­yang asawa. Maging ang nanay ni Manny na si Aling Dionesia ay naka­usap na rin ng ABS-CBN.

* * *

Iisa pala ang writer ng pelikulang Sundo (showing na starring Robin Padilla and Sunshine Dizon na si Direk Topel Lee) at T2 (soon to be shown starring Maricel Soriano under the direction of Chito Roño), kaya pala parang may konting hawig ang pelikula sa trailer - si Alloy Adlawan.

Same genre ang pelikula at halos magkasunod din lang ang showing ng dalawang horror film ng GMA Films (Sundo) and Star Cinema (T2).

Nagkataon ba ito o sinasadya? Part din kaya ito ng network war - sa part ng kanilang film arm? (SALVE V. ASIS)

Show comments