May balak daw itambal si Gerald Anderson kay Sarah Geronimo pero balak pa lang ay tinututulan na ng mga fans niya. Bakit? Ayaw ba nilang mag-grow ito as an actor? Huwag namang palagi na lang sila ni Kim Chiu, sila rin baka magsawa na sila.
At saka ano bang meron ang mga fans para magdikta?
Hindi naman sila mga producers na namumuhunan sa artista?
Bakit kailangan nilang makialam?
Ang dapat na gawin nila ay ang patuloy na pagsuporta sa kanilang mga idolo, sinuman ang kapareha ng mga ito. Sino ang makapagsasabi, baka makatuklas pa ng mga bagong kumbinasyon ng pareha.
Narinig ko rin na balak itambal naman si Kim Chiu kay John Lloyd Cruz, tutol din ba sila rito?
* * *
May mga nagsasabi na matanda na raw si Piolo Pascual para kay KC Concepcion.
Bakit sa akala ba nila ay gaano na katanda si Piolo?
Naku naman, huwag kayong masyadong maarte. Sa Hollywood nga tinatanggap ang mga May-December tandem, not necessary love teams. Natatandaan ko pa ang isang movie na ginawa ni Susan Sarandon at James Spader. Eh ‘yung Piolo-KC pa, eh ‘di naman masyadong malaki ang agwat ng edad nila. Baka kapag napanood n’yo silang dalawa, kayo pa ang unang kiligin.
* * *
Umalis pala ng bansa si Billy Crawford. May mga shows sila ni Sarah Geronimo sa Amerika. Bukod dito, I’m sure itutuloy niya ang pagpu-promote ng kanyang album sa US.
Medyo matagal mawawala sina Billy at Sarah, dahil tour ang aatupagin nila. Pero sino kaya kina Nikki Gil at Rayver Cruz ang makaka-miss ng labis sa dalawa?
Sana pakitaan nila ng mabuti ang mga fans dun. Marami akong nababalitaan na mga local talents na lumalabas ng bansa at nagsu-show sa abroad pero, ‘di na nakakaulit dahil nagsusuplado, nag-iinarte. Eh ang mga manonood sa kanila ay mga Pinoy na matagal nang hindi umuuwi, kaya giliw na giliw sa mga kababayan nila. Pero, I’m sure dahil pabalik-balik na sila sa abroad, mabait ang dalawa, kaya palaging nire-request.
* * *
Nagulat ako nang makita kong muli ang ‘Mystery Boy’ ko dati sa That’s Entertainment. Siya yung pinakanta ko for a while, parang sinabik ang mga manonood tapos tinanggalan ko ng maskara.
Nabalitaan ko na nag-abroad ito. Mas nagulat ako sa balitang nagpa-sex transplant ito. Pero ‘di naman pala totoo. Katunayan, may pamilya na ito at naka-base sa Switzerland.
Bumibisita ito ng bansa at dinalaw ako. Abangan n’yo ang pagbisita niya sa Walang Tulugan.