MANILA, Philippines - Seen : Nakapag-isip-isip na si Manny Pacquiao. Kinilala na niya ang kontrata sa Solar Sports. Sa GMA 7 pa rin mapapanood ang kanyang laban kay Ricky Hatton.
Naudlot ang pagiging Kapamilya niya.
Scene : Si Karylle ang bagong female endorser ng Blue Water Day Spa. Hindi pa tiyak kung ire-renew ng Blue Water Day Spa ang kontrata ni Marian Rivera.
Seen : Malapit nang maging endorser ng Facial Center si Angel Locsin.
Tikom ang bibig ng management sa isyu ng renewal ng kontrata ni Marian Rivera.
Scene : Ang public clamor na pangalanan ng Seen/Scene ang fashion designer na pinaluhod sa kanyang harap ang kawawang male casual employee ng Duty Free Philippines. I-boycott ang mga damit ng fashion designer ang panawagan ng mga tao na suklam na suklam sa pang-aapi niya sa Duty Free employee. Ito ang Youtube link ng video :http://www.youtube.com/watch.
Seen : Ang mga artista na nagpapahiwatig na kakandidato sa eleksyon sa susunod na taon.
Hindi karapat-dapat na ihalal ang iba sa kanila dahil wala silang kakayahan na maglingkod sa bayan.
Scene : Ang walang katapusan na sagutan sa print at TV ni Jennylyn Mercado at ng kanyang dating road manager na si Mel Pulmano.
Parehong mahilig sa publicity ang dalawa. They deserve each other.
Seen : Ang manager ni Alyssa Alano na palaging kasama sa taping ng kanyang alaga.
Pati ang pagkain ng manager ni Alyssa, naka-charge sa TV production.
Scene : Sina Atty. Felipe Gozon ng GMA 7 at Gabby Lopez ng ABS-CBN ang number one sa listahan ng 50 Most Powerful People in Showbiz. ng YES Magazine.
Kasali sa listahan sina Boy Abunda, Lolit Solis, Piolo Pascual, Sam Milby, Charo Santos, Wilma Galvante, Judy Ann Santos, Kris Aquino at Manny Pacquiao.