Fans ni Sarah hurt sa laki ng TF ni KC

Nag-react ang Viva Entertainment sa lumabas na kuwento sa isang magazine na ni-report sa TV Patrol na P200,000 lang ang talent fee ni Sarah Geronimo).

Marami kasing feedback tungkol sa nasabing issue particular na ang fans ng singer/actress. In fact, halos ma­­puno ang inbox ko ng e-mail ng fans ng bagong box office queen. Bakit daw ang cheap naman ng TF ng idol nila samantalang milyun-milyon ang kinita ng Star Cinema sa dalawang pelikulang nagpataob sa mga naunang higanteng pelikula ng Star Cinema – A Very Special Love at You Changed My Life na pareho pang graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Ayon sa natanggap kong statement, ang sinasabing talent fee ay approved amount ng Star Cinema at ang kabuuan ng TF ni Sarah para sa dalawang blockbuster movie, ang Viva na ang nagbigay kaya lumabas na pantay lang ang talent fee nina Sarah at John Lloyd.

Co-producer ang Viva at Star Cinema sa dalawang pelikula.

Ganun naman pala. Malinaw na hindi lang P200K ang kinita ng singer/actress dahil dinag­da­gan ito ng Viva. 

 Dyosko, parang ang hirap kasing paniwalaan na ganun lang kaliit ang halaga ng TF na ibinigay ng Star Cinema kay Sarah. Pero infairness, kung hindi naman siguro na-expose na P5 million ang TF ni KC Concepcion sa kanyang first movie, walang magri-react kasi first movie rin naman ‘yun ni Sarah. Pero siyempre, hurt ang fans ni Sarah kaya panay ang padala nila ng letter sa mga writers dahil bakit si KC ang laki-laki agad ng TF. Nag-aapela sila kung bakit ganun lang ang approved na TF ng kanilang idol samantalang ebidensiya ang pagiging box office queen ni Sarah sa Guillermo Mendoza Memorial Awards.

Uy, pero milyon naman daw ang bonus ng singer/actress nang pumatok ang pelikula - 50/50 ang hatian ng Star Cinema at Viva.

Oh ayan fans, ‘wag na kayong mag-worry. Hindi totoong P200K ang TF ng idol ninyo.

Pantay lang pala sila ni John Lloyd ng TF.

Wait na lang tayo sa pagdating ni Sarah.

Favorite ko pa naman ang bagets na ito dahil ang bait. Madaling tsikahin.

Ayon sa Viva insider, malamang na humabol sa coronation night ng Guillermo Mendoza Memorial Awards dahil tatlong major awards ang napanalunan nito.

* * *

Sa nangyaring bukingan ng talent fee, parang iisipin mo, kawawa naman si John Lloyd dahil pareho lang sila ni Sarah, samantalang ‘yung iba palang aktor, ang laki ng talent fee pero hindi ganun kalaki ang kita ng pelikula.

Like sa kaso ni Piolo Pascual, P3 million pala siya per movie. Samantalang kung tutuusin, sunud-sunod ang pelikulang blockbuster ni John Lloyd.

At kahit pala ang TF ni Judy Ann Santos, mas malaki pa rin ang TF ni KC.

Ayon sa report ng TV Patrol, P2 to P3 million lang ang per movie ni Juday habang P4 to P5 million ang kay KC.

Siguradong may selosan factor sa bawat isa sa nangyaring ito. Deep inside dinadam­dam ‘yun ng iba na bakit mas malaki ang TF ni ganito, o ganire saman­talang sila, work to the max pero hindi pa umaabot sa milyon ang TF.

Dati confidential ang ganitong mga issue, pero ngayon, may bukingan factor na.

* * *

Grabe, mabentang-mabenta sa on line discussion ang kuwento kay Manny Pacquiao. Ang daming nagri-react na loyal followers ng Kapamilya at Kapuso network.

Siyempre, aktibo na naman sila at kanya-kanya ng pasaring.

Pero ang bottomline, marami ang hindi pabor sa ginawa ni Pacman.

* * *

Nakakahiya man, pero dahil nag-beat ako ng red light kahapon, pinara ako ng MMDA personnel - (sorry po...) sa may España area. Anyway, salamat at hindi naman niya ako hiningan ng driver’s license. Thank you, Bro. Jeorge Almera.

At heto nagkuwento pa si Jeorge, siya raw ang isa sa na-feature sa Imbestigador na nangongotong. “Paano naman ako ma’am mangungutong eh Born Again ako,” emote ni Jeorge na siya ang nag-volunteer na magkuwento.

* * *

salveasis@yahoo.com

Show comments