TF ni Sarah dinagdagan ng Viva

May reaksyon si Boss Vic del Rosario ng Viva Films sa mga nang-iintriga tungkol sa talent fee na natanggap ni Sarah Geronimo para sa A Very Special Love at You Changed My Life.

Nakatanggap ako ng statement mula sa kampo ni Boss Vic na itinutuwid ang maling akala ng mga nang-iintriga kay Sarah at sa Viva Films. 

Viva Bossman Vic del Rosario was quick to react to a TV report that Sarah Geronimo got only P200,000 each from her blockbuster movies A Very Special Love and P300,000 for You Changed My Life.

 “Viva took care of paying the rest of Sarah’s talent fee that Viva thought due her,” Boss Vic said.

 For the record, Boss Vic said Sarah’s fee is the same as that of John Lloyd Cruz, her leading man in the two movies.

 The head honcho of Viva just can’t help but get riled up over insinuations that Sarah was being paid a paltry sum despite the huge success of her movies.

 A Very Special Love grossed something like P180 something million, making it the biggest box-office hit last year. You Changed My Life fared even better, raking in at least P200 million during its three-week run. Sarah is on a concert tour in the US, and won’t be back before until April.”

* * *

Watch ninyo mamayang gabi ang Walang Pera? ni Papa Mike Enriquez at Marian Rivera.

Bubusisiin ni Papa Mike ang isyu ng global recession at ang bad effect nito sa ating ekonomiya at sa mga Pilipino.

Kumpleto ang reserach ng GMA News & Current Affairs dahil gusto nilang main­tindihan ng ating mga kababayan ang tunay na sitwasyon at mga posibleng mangyari sa gitna ng krisis sa buong mundo.

Ano ang kinalaman ni Marian sa show ni Papa Mike? Si Marian ang gaganap sa mga girl na naging biktima ng recession. Halaw mula sa mga tunay na pangyayari ang mga kuwento na ipapakita sa Walang Pera at ang mga karakter na gagampanan ni Marian.

* * *

Type ko si Kris Bernal dahil hindi siya showbiz. Sinasabi niya ang tunay na nararamdaman at opinyon sa mga intriga na ibinabato sa kanya.

Malaki rin ang iginanda ni Kris mula nang magkaroon siya ng confidence at maging bida sa Dapat Ka Bang Mahalin?

May dapat panghinayangan si Aljur Abrenica kapag hindi nito niligawan si Kris na malaki ang potensyal na maging faithful girlfriend. Faithful daw o!

* * *

Pumayat si Aljur nang magkita kami sa 17th floor ng GMA Building noong Biyernes.

Nagkasakit pala si Aljur kaya nangayayat siya pero kahit masama ang pakiramdam, hindi siya nag-absent sa taping ng Dapat Ka Bang Mahalin.

Ganyan katindi ang professionalism ni Aljur.  Ayaw niyang mapahiya sa Kapuso network dahil malaki ang pagpapahalaga ni Aljur sa big break na ibinigay sa kanya.

Show comments