Hindi pa man umeere, marami na sa mga nakakitang suot ko ang black Zorro T-shirt ang umaarbor nito, pero sorry na lang, nag-iisa lang ang bigay na iyon ni Jun Lalin, publicist ng Gutierrez family.
At the presscon of Star Cinema’s T2, I bumped into Jun, sabay naglambing ako kung puwede pa niya akong bigyan ng ilang Zorro shirts. Aniya, ire-request daw niya iyon kay Annabelle Rama.
“Pero meron akong extra, ibibigay ko sa iyo, Kuya Ron, pero isusuot mo dito sa presscon,” sabi ni Jun.
A GMA 7-produced series na ipinagbabanduhan at a Star Cinema event, why not? Joke!
* * *
Just as she was about to board her Los Angeles-bound plane Tuesday night ay nilinaw ni Kuh Ledesma sa Startalk ang paratang sa kanya ng anak ng dating nanilbihang kusinerang nasawi sa kanyang empleyo.
Having gone over both transcribed interviews ni Kuh at ni Julie Palis-Javellana (anak ng namatay na si Aling Elisa, 71), maraming punto roon ang magkasalungat, but there are also common points raised.
Inamin ni Kuh na totoong inabutan lang niya si Julie ng halagang P200 during the latter’s visit. Aniya, pamasahe lang daw ’yon, dahil hindi raw niya kayang ibigay ang hinihinging perang pangnegosyo nito in one fell swoop, ’ika nga.
Nag-react din si Kuh, although indirectly, addressed to my column item here in PSN na wala na siyang pera. Totoo raw na wala siyang pera, pero yun ay sa mga taong sinungaling, arogante at nakukuha pa siyang siraan tulad ni Julie.
Sa dulo ng panayam kay Kuh, willing naman daw siyang bigyan ng kaukulang tulong-pinansyal ang naulila ni Aling Elisa, pero nakiusap ito na sana naman daw ay magtrabaho ang mga ito.
For the longest time daw kasi ay umaasa na lang daw pala ang mga anak kay Aling Elisa, who would take on extra jobs to fend for her family.
Having heard both sides, wala kina Kuh at Julie ang aking simpatya, but rather with Aling Elisa na sa edad na 71 ay kumakayod pa rin gayong ninanamnam na lang niya dapat ang kahulugan ng buhay.
* * *
With an ear for music, and good music at that, it’s easy to tell a real singer from a non-talent. Pamilyar na marahil ang pangalang Josh Santana, the singer behind the Tagalized version of ABS-CBN’s Meteor Garden na siyang umawit ng theme song.
Si Josh din ang love interest ni Carol Banawa sa teleseryeng Bituin… So far, that was Josh’s claim to fame.
Nawala sa sirkulasyon in pursuit of a college degree, ngayon ay nagbabalik si Josh in his serious bid as the country’s first and only Fil-Hispano balladeer via his album familiarly titled Eres Tu.
Wa kiyeme, Josh instantly earned my musical admiration, not only because we came from the same school (FEU), here’s one trailblazing career direction in introducing Spanish flavor whipped up in ballads that Pinoys will surely love.
Muy bien.