Young Actress umaming sugarol ang ina
Agad kinausap ng management ng isang network ang young actress na na-blind item na hindi nagpapadala ng financial help sa inang maysakit sa isang malapit na probinsya para malaman ang side nito sa istorya.
Inamin ng maganda at may maamong mukhang young actress na may sakit ang ina, pero hindi kasing grabe nang ikinukuwento nito sa mga kaibigan ng young actress.
Itinanggi rin ng young actress na pinababayaan nila ng kanyang ama ang ina. Pinadadalhan nila ito ng pera, ang problema, nagsusugal daw ang ina kaya mabilis maubos ang ipinadadala niyang pera.
Pati raw ibang gamit nila sa bahay ay naisanla o nabenta ng ina dahil sa sugal.
Pinaniwalaan ng management ang kuwento ng young actress dahil sinang-ayunan ito ng kanyang ama na kasama niya rito sa Manila habang siya’y nag-aartista. Ang hindi namin naitanong ay kung bakit hindi ang ina ang kasama ng young actress dito sa Manila?
Kung ito kasi ang sumasama sa kanya sa taping ng soap na kasali siya at iba pang lakad, magiging busy ito at walang time magsugal.
* * *
Naging malaking isyu noon nang magkabanggaan sina Aljur Abrenica at Richard Gutierrez sa Fiamma Bar sa Makati. Pero sa interview namin kay Aljur last Friday, ibinalitang ayos na sila ni Richard noon pang January.
Nagkita sila sa recording room ng GMA 7, nag-hi siya bilang pagbati at nag-hello naman sa kanya si Richard. Hindi pa nga lang sila nagkita uli mula noon, pero para kay Aljur, wala nang isyu sa kanila ni Richard. Baka nga magkita sila mamaya sa SOP dahil grand launch ng Zorro at mainstay ng show si Aljur.
Saka sa maraming blessings kay Aljur, ayaw niyang haluan pa ito ng anything negative.
Maganda ang feedback ng mga viewers sa Dapat Ka Bang Mahalin? nila ni Kris Bernal bukod sa mataas ang ratings at baka may gawin siyang pelikula sa Regal Entertainment.
Birthday ni Aljur sa March 24 at pinag-iisipan pa kung magpapa-party siya bilang pasasalamat sa lahat ng mga nakatulong at tumutulong pa sa kanya. Mas magiging masaya raw siya kung sasagutin siya ni Kris sa kanyang kaarawan.
Agree si Aljur na marami siyang kissing scenes at love scenes kina Kris at Ara Mina sa Dapat… at inaming nadala siya sa love scene nila ni Ara na kinunan ni direk Maryo J. delos Reyes sa isang pool. Iniwasan niyang mahalata ng actress na nadala siya sa eksena, pero nahalata pa rin at ang payo na lang sa kanya ay mag-relax at “samantalahin ko raw ang opportunity, pero nahiya pa rin ako,” nahihiyang sabi ni Aljur.
* * *
Mukha ngang wala ng Pinoy Idol this year sa GMA 7 dahil ilo-launch sa SOP ang bagong singing competition ng network na Are You the Next Big Star? Alangan namang magkaroon ng dalawang singing competition ang istasyon?
- Latest