Michelle dedma lang kay Rhian

Parehong big hit sa ta­kilya ang dalawang sus­pen­se-thriller movie ni Direk Chito Roño sa Star Ci­ne­ma, ang Feng Shui at Sukob na parehong pina­ngu­nahan ni Kris Aquino may ilang taon na ang naka­karaan.

Pihikan at taunan kung gu­­mawa ng pelikula si Direk Chito, pero kapag gumawa naman siya ay tiyak na blockbuster tulad na lamang ng kanyang huling dinirek, ang Caregiver ni Sharon Cuneta na ipina­la­bas nung isang taon.

Mabusisi si Direk Chito sa mga proyektong kan­yang ginagawa kaya naman parating inaabangan ang kanyang mga obra tulad na lamang nitong upcoming suspense-thriller na T2 na pinagbibidahan ng Dia­mond Star na si Maricel Soriano kasama sina Derek Ramsay, Eric Fructuoso, Camille Prats, Mon Con­fiado at kung saan naman ipinapakilala ang batang aktres na si Mica de la Cruz.

Ang istorya ng T2 ay nagmula mismo kay Direk Chito habang si Alloy Adlawan naman ang gumawa ng script.

Since ang kuwento ng mga engkanto ay madalas magmula sa Kabisayaan (kasama ang Samar), dito hinugot ni Direk Chito ang istorya ng T2.

Ang pelikulang T2 ay magsisilbi ring reunion project nina Direk Chito at Maria na may ilang beses na ring nagkasama sa pelikula tulad ng Nasaan ang Puso, Dahas at Separada.

Ang T2 ay nakatakdang ipalabas sa Black Saturday, Abril 11.

* * *

Dalawampu’t pitong taon ang itinagal ng pagsa­sama bilang mag-asawa nina Lorna Tolentino at ng kanyang yumaong asawa na si Rudy Fernandez.

Kahit mag-iisang taon na sa darating na Hunyo ang pagkawala ni Daboy ay tila sariwa pa rin kay LT ang lahat. Siya’y nasa proseso pa rin ng healing at moving on.

Although tanggap na niyang wala na ang pisikal na katawan ng kanyang namayapang asawa, ang mga alaala nito ay mananatiling buhay sa puso’t isipan ni LT at ng kanilang dalawang anak na sina Ralph at Renz.

Naging bahagi ng healing process ni LT ang pagiging abala sa pagpapagawa ng musoleo ng kanyang mister sa Heritage Memorial Park, ganoon din ang pagiging involved sa dalawang CD albums na pinamagatang H.O.P.E. (Healing of Pain and Enlightenment) at H.O.P.E. Vol. 2 (Wings of the Soul) kung saan featured ang mga inspirational songs na may halaga at malapit sa namayapang aktor. 

* * *

Si Michelle Madrigal ay nasa pangangalaga na rin ng controversial talent manager na si Annabelle Rama kasama ang kanyang ate na si Ehra Madrigal. 

Si Annabelle rin ang manager ng ex-boyfriend ni Mi­chelle na si JC de Vera na ang ka-MU naman nga­­yon ay si Rhian Ramos na kasamahan din niya sa Zorro.

Walang issue kay Michelle kung sina JC at Rhian man ang nali-link ngayon dahil matagal na umano silang wala ng aktor at itinuturing na kaibigan ni Michelle si Rhian. 

Katunayan, si Michelle pa ang nagbuking na dumadalaw sa taping ng Zorro sa Bataan si JC para kay Rhian.

* * *

Gumagawa na rin ng sarili niyang pangalan ang nakababatang kapatid ni Paolo Paraiso na si Bub­bles Paraiso na tulad ni Paolo ay nagsimula rin sa ramp modeling.

Natutuwa si Bubbles dahil pagkatapos ng Codename: Asero ay may follow-up project kaagad siya sa bakuran ng GMA, ang Zorro na pinagbibi­dahan din ni Richard.

* * *

Alam mo, Salve A., hindi ako mahilig sa mga sus­pense-thriller movies pero nagtaka ako kung paano ko natagalan ang Sundo kahit sobra itong naka­katakot.

Bihira man kaming manood ng movie lalo na sa isang katatakutang pelikula, nagustuhan namin ang pagkakagawa ni Direk Topel Lee ng Sundo kung saan tampok na mga bituin sina Robin Padilla, Sunshine Dizon, Katrina Halili, Rhian Ramos, Mark Bautista at iba pa.

Sa premiere night ng Sundo sa Megamall last Tues­day, hiyawan ang mga tao sa loob ng sine­han sa sobrang takot. Pero gaano kaya katotoo ang ba­lita na huling horror movie na ito ni Direk Topel dahil siya man mismo ay natatakot sa mga horror movie na kanyang gina­gawa?

Ma-break kaya ng Sun­do ang record sa takilya ng Quija nina Judy Ann San­tos, Jolina Mag­dangal at Iza Calzado?

Kahit hindi kasama sa pelikulang Sundo si Iza ay du­mating ito sa premiere ng pelikula bilang suporta kina Robin (na naka­trabaho niya sa Jaoquin Bor­da­do) at si Sunshine Dizon na close friend niya ganoon din kay Direk Topel na naging direktor naman niya sa Quija.

* * *

mailto:a_amoyo@pimsi.net

Show comments