^

PSN Showbiz

Geoff willing maghubad sa pelikula

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Balik-trabaho na si Maxene Magalona after the burial of her dad at sa presscon ng SRO Cinemaserye, hindi siya kinakitaan ng lungkot ng press people. The last time na umiyak siya ay nang gawaran ng Presidential Medal of Merit ang amang si Francis Magalona ni President Gloria Macapagal-Arroyo sa Malacañang Palace.

“I was in tears. I can feel his presence when the plaque was given to my mom,” kuwento ni Maxene.

 Nalulungkot pa rin siya ’pag naaalala ang ama, pero natutuwa siya na dahil sa mga ginawa ng ama, napukaw ang pagmamahal ng mga Pinoy sa bansa. Dapat daw hindi inilibing ang urn ni Francis, pero naisip nilang baka gusto nitong malibing sa Philippine soil.

 Pabor si Maxene sa plano ni Ely Buendia na imbitahan si Gary Valenciano na mag-collaborate sa The Sickos album nina Ely at Francis para lang matapos. Two and a half songs lang daw ang na-record ng dalawa sa 10 songs na kasama sa album at kung papayag si Ely, gusto nilang i-remake ng mga kapatid ang Kabataan Para sa Kinabukasan, kung saan back-up singers silang magkakapatid nang ni-record ito ng ama.

Hindi rin makakalimutan ni Maxene ang last thing na ginawa ng ama sa kanya. Kahit nahihirapang maglakad at kalalabas lang ng ospital, pumunta ito ng mall para ibili siya ng Apple Mac laptop nang mag-crash ang kanyang computer.

Paano pala kung ma-link sila ni Geoff Eigenmann habang ginagawa ang SRO Cinemaserye?

“It’s okay with me, part ’yan ng trabaho namin. Laging turo ng dad ko, I have to be ready always. Saka, may chemistry daw kami ni Geoff, kaya no problem,” sey ni Maxene.   

* * *

Kahit gumawa ng ilang soap sa GMA 7, sa ABS-CBN pa rin ang loyalty ni Camille Prats at sinabi niya ito sa presscon ng T2 ng Star Cinema na balik-pelikula rin niya.

“Kahit nag-work ako sa Channel 7, alam kong babalik ako rito (Dos) at dito rin ang loyalty ko, may contract man ako o wala. Ang saya nga ng feeling na narito uli ako and everytime namang bumibisita ako rito, enjoy ako dahil lahat ng tao rito mula sa security guards pati janitors, kilala ako. It’s nice to see familiar faces again,” pahayag ni Camille.

First movie rin ni Camille with Maricel Soriano ang T2 at inaming kinabahan siya noong una sa pagtaas pa lang ng kilay ng actress. Obviously, naging maganda ang pagtatrabaho nilang dalawa dahil “Inay” na rin ang tawag nito sa actress. Ang sarap daw ng feeling to be working with someone na iniidolo. ’Di rin niya makalimutan ang paalala ni Maricel na laging lagyan ng alcampurado at manzanilla ang tiyan ng baby niya para hindi kabagan.

* * *

Ibinuking ni Sheryl Cruz sa presscon ng SRO Cinemaserye na crush siya ni Geoff when the actor was six years old at dinala ng inang si Gina Alajar sa Sunday show dati ni German Moreno. Nag-smile lang ang actor sa pambubuking ni Sheryl.

Ganadong magtrabaho si Geoff dahil matagal nabakante at natutuwang makakatulong na uli siya sa pag-aaral ng kapatid na si AJ Eigenmann na nag-aaral maging veterinarian sa States. Mahal ang kursong ito, kaya tulung-tulong sila.

Ginulat ni Geoff ang press sa sinabing kaya niyang mag-frontal nudity sa isang magandang pelikula, basta maganda ang role at mahusay ang director.

“Why not? Okey lang ang frontal nudity scene. Conservative ang family ko, pero okay lang. I have nothing to be ashamed of. Hahaha! Papatayin ako ni Perry (Lansigan, his manager) ’pag narinig niya ang mga sinabi ko. I’m also willing to do something like Brokeback Mountain at makipag-kissing scene at makipag-love scene sa same sex if I have to,” daring na sabi ni Geoff. 

* * *

Gaya nang ibinalita sa Showbiz Central, si Mo Twister ang host mamaya sa Kakasa Ka Ba sa Grade 5? Two Saturdays siya magpi-pinchhit kay Janno Gibbs na sabi’y may sakit during the taping, pero ibang rason ang nasulat ni Ronnie Carrasco kung bakit hindi nag-taping si Janno.

AKO

APPLE MAC

BROKEBACK MOUNTAIN

CINEMASERYE

GEOFF

KAHIT

MAXENE

RIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with