Buhay ni Daboy nasa libro na

Ang bongga, pinataob na pala ng You Changed My Life starring Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz ang Sukob at Ang Tanging Ina N’yong Lahat. As of yesterday, more than P200 million na ang kita ng pelikula, ayon sa isang showbiz insider.

Ini-expect daw ng Star Cinema na kikita pa ito hanggang P230 million.

Ayon sa isa pang showbiz insider, ang sequel na ng A Very Special Love ang biggest Filipino movie of all time. “Hindi umabot sa ganyan kalaki ang kita ng pelikula noon, ngayon lang nangyari ’yan,” sabi pa ng source.

So far, ito rin daw ang mako-consider na biggest launching movie ever for a young actress (because literal na tumabo sa takilya ang dalawang pelikulang ginawa niya with John Lloyd – A Very Special Love and You Changed My Life).

Anyway, the other night ay nagkaroon na ng deliberation ang Guillermo Mendoza Memorial Awards at natapos na ang issue sa pinag-uusapang box-office title. Final na. Si Sarah na ang Box-Office Queen para sa 2008. Wala pang official announcement ang Guillermo pero tapos na ang deliberation ng grupo.

Bukod sa pagiging reyna sa takilya, siya rin ang Best Female Concert Performer of the Year for The Next One at Female Recording Artist of the Year ng Guillermo Memorial.

As expected, si John Lloyd ang kokoronahan bilang Box-Office King for 2008.

Naunang nai-declare sina Sarah at John Lloyd bilang box-office king and queen, respectively ng SM Cinemas para sa pelikula nilang A Very Special Love.

Kasalukuyang nasa The Next One US Tour si Sarah pero nakausap na siya ni Mr. Vic del Rosario, at sinabing excited na siyang umuwi para tanggapin ang nasabing mga awards galing sa Guillermo.

Anyway, narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa Guillermo Mendoza Memorial Awards na ipo-produce ng Airtime Marketing:

Film Actor of the Year - Christopher de Leon (Magkaibigan)

Film Actress of the Year - Sharon Cuneta (Caregiver)

Prince & Princess of Philippine Movies & TV - Richard Gutierrez at KC Concepcion (For the First Time)

Male Concert Performer of the Year - Gary Valenciano (Gary Live@25)

Female Concert Performer of the Year - Sarah Geronimo (The Next One)

Male Recording Artist of the Year - Martin Nievera (Milestone)

Female Recording Artist of the Year - Sarah Geronimo (The Next One)

Most Popular Recording Group - Sponge Cola

Most Popular Novelty Singer - Moymoy Palaboy

Most Popular Loveteam of Movies & TV - Gerald Anderson at Kim Chiu

Most Promising Male Star of Movies & TV - Aljur Abrenica

Most Promising Female Star of Movies & TV - KC Concepcion

New Male Recording Artist of the Year (Most Promising Singer) - Bugoy Drilon of Pinoy Big Brother - Paano Na Kaya?

New Female Recording Artist of the Year (Promising Singer) - KC Concepcion (A.K.A. Cassandra)

Most Promising Performing Group - U Got Male

Most Popular Dance Group - EB Babes of Eat Bulaga

Most Popular Child Actor, Movies & TV - Robert “Buboy” Villar

Most Popular Child Actress, Movies & TV - Sharlene San Pedro

Most Popular Film Producer - Star Cinema

Most Popular Screenwriter - Raz Sobida dela Torre (A Very Special Love)

Most Popular Film Director - Cathy Garcia-Molina (A Very Special Love)

Most Popular Television Program - Dyesebel (nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, GMA 7)

Most Popular TV Director - Bb. Joyce Bernal

Special Awards:

Bert Marcelo Award (for comedians) - Eugene Domingo

Comedy Box-Office King/s - Vic Sotto at Dolphy (Dobol Trobol)

Comedy Box-Office Queen - AiAi delas Alas (Tanging Ina N’yong Lahat)

Valentine Box-Office King & Queen - Richard Gutierrez at Marian Rivera (My Best Friend’s Girlfriend)

Outstanding Global Achievement by a Filipino Artist - Arnel Pineda at Charice Pempengco

Posthumous Award: Outstanding/Special Merit Award for Music - Francis Magalona

* * *

May sinulat palang libro ang sister ni Rudy Fernandez na si Marie Fernandez, My Life With My Brother Daboy, para sa alaala ng kanyang kapatid.

Ayon sa text ng kapatid nang nasirang si Kuya Daboy, mababasa sa libro ang mga untold stories ng kabataan ng action star, ang kanyang magandang buhay na hindi malilimutan. Nasa libro rin ang buong kuwento ng kanyang buhay from birth hanggang sa katapusan nito.

Available na ang libro sa National Bookstore.

* * *

Hindi na shocking ang ginawang statement ni Manny Pacquiao na paglipat sa ABS-CBN. Matagal nang pinag-uusapan ang tungkol dito. Pulitika ang rason ng lahat ayon sa usap-usapan. Mas maganda raw kasi ang campaign package ng Dos for Manny kaya mas gusto niyang dito ipalabas ang laban nila ni Ricky Hatton.

Parang naririnig ko nang humahalakhak si Dyan Castillejo na minsang naging issue ang ginawa niyang interview kay Pacman sa birthday nito kamakailan.

Malayo pa ang tatakbuhin ng usapang ito dahil nakatakdang magdemanda ang Solar Entertainment na may hawak sa contract ng airing ng mga laban ni Pacman.

Abangan…

* * *

May resemblance si Nicole (na binabatikos ngayon dahil sa ginawang pagbawi sa testimonya na ni-rape siya) kay Charice lalo na nga’t hindi pinakikita ang buong mukha ng dating rape victim.

Show comments