MANILA, Philippines - Nag-email ng statement ang Star Magic tungkol sa stand nila sa pagi-endorse ng pulitiko ng mga alaga nila lalo na nga’t mainit na ang usapan tungkol sa pulitika. Inuulit nilang hindi puwedeng gamitin ng kahit sinong pulitiko ang kanilang mga alaga.
“It is the policy for Star Magic Artists never to endorse politicians anywhere or in any form of media. This policy is non-negotiable except perhaps in some very special cases wherein the Artist firmly believes in the endorsement and the express approval of Star Magic has been secured.
An article in a broadsheet came out Friday, March 13, where Piolo Pascual is serenading a female politician. Star Magic does not know this young lady. She may indeed be someone a Piolo Pascual may endorse but her character is not the issue here. The issue here is the unauthorized use of Piolo’s photograph which can be misconstrued as a political endorsement.
It has happened in the past that the poster of Piolo and Claudine for a soap opera was used by a politician for campaign purposes.
We would like to prevent any such incident from recurring in the future wherein the image of any Star Magic artist might be used for campaign purposes.”
* * *
Isang malaking pagbabago ang naganap sa pagbabalik ni TJ Trinidad - certified Kapuso na siya ngayon.
Pero ayon sa aktor na alaga na rin ngayon ni Annabelle Rama, maayos naman ang pag-alis niya sa ABS-CBN. Nagpaalam naman ang kanyang manager. Sa pagtuntong sa Siete, Zorro ang una niyang proyekto.
“Excited ako with Zorro kahit na sabihin pang kontrabida ang role ko rito. Okay lang sa akin na magkontrabida dahil wala namang bida kung walang kontrabida, tsaka si Richard Gutierrez naman ’yan, kaya willing talaga ako.
“Sa ngayon, unti-unti ko na ring nararamdaman yung pagiging Kapuso ko dahil ang ganda ng pagtanggap sa akin ng mga co-actors ko at staff ng Zorro. Pati mga executives ng GMA 7, mababait sa akin.
“I left ABS-CBN kasi ito ‘yung napagdesisyunan namin ng manager ko. Medyo natagalan nga lang yung pag-alis ko dahil sinigurado namin ni Tita Annabelle na hindi naman sasama ang loob ng mga taga-Dos sa pag-alis ko. Inayos naming mabuti yung paglipat ko sa GMA 7,” paliwanag ng aktor.
Magpinsan ang mga karakter na ginagampanan nina TJ, na gumaganap bilang si Capitan Ramon Pelaez, at Richard bilang si Zorro, pero eventually ay magiging magkalaban sila.
Pero sa totoong buhay, parang magkamag-anak na rin sina TJ at Richard dahil best of friends ang mga tatay nila.