MANILA, Philippines - Seen : Unseen si BB Gandanghari sa premiere night ng Sundo sa SM Megamall noong Martes ng gabi.
Marami ang naghintay sa pagdating ni BB dahil ‘yun na ang pagkakataon na makita sila ng kanyang mga kapatid sa publikong lugar.
Walang sumundo kay BB upang maka-attend ito sa premiere night ng Sundo.
Scene : Parehong may interbyu kahapon ang Unang Hirit at Umagang Kay Ganda sa ina ng rape victim ni US Lance Corporal Daniel Smith.
Ipinakita sa UKG ang mukha ng nanay ni Nicole ngunit pixilized ang image nito sa interbyu ng UH.
Seen : Binigyan ng malisya ang holding hands nina Robin Padilla at Sunshine Dizon sa premiere night ng Sundo.
May reputasyon si Robin na nagkakagusto sa kanyang mga leading lady sa pelikula at TV.
Scene : Ang balita na si Pops Fernandez din ang source ng mga kuwento tungkol sa apat na taon na relasyon nila ni Jomari Yllana at ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Seen : Nakatengga uli ang Moonriver, ang soap opera na tinatampukan ni Maja Salvador.
Ang Moonriver ang second show ni Maja na nanganganib na hindi maipalabas sa TV.
Scene : Ang leksiyon na ituturo ng production staff kay Janno Gibbs dahil sa hindi nito pagsipot sa taping ng Kakasa Ka Ba Sa Grade 5?
Matagal nang inirereklamo ang tardiness ni Janno sa mga taping at appointments. Kulang siya sa pagpapahalaga sa oras ng ibang tao.
Seen : Namatay na ang karakter ni Jake Cuenca sa Tayong Dalawa ngunit tuloy ang taping niya para sa show nila ni Gerald Anderson.
Babalik ang karakter ni Jake sa Tayong Dalawa.
Scene : Ang launching ng Star Records sa Hope CD 2 album ni Lorna Tolentino.
Ang Rudy Fernandez Cancer Foundation ang beneficiary ng kikitain ng Hope CD 2.