Doc Hayden pumipila sa GMA para magkadatung

Nakita ko noong Lunes na nakapila sa cashier ng GMA 7 si Dr. Hayden Kho, Jr. Hindi ko kaagad siya nakilala pero napansin ko dahil namumukod-tangi ang kanyang katangkaran sa mga tao na nakapila.

In fairness to Hayden, hindi malaki ang tiyan niya. Natsismis noon na tumaba si Hayden pagkatapos nilang maghiwalay ni Dr. Vicki Belo pero malay natin, nagpapayat siya para maging desirable uli ang kan­yang physical appearance. Desirable raw o!

Kung hindi nasangkot si Hayden sa scandal, tuluy-tuloy sana ang kanyang showbiz career at sure na kasali siya sa cast ng All About Eve.

* * *

Nandito pa pala sa ating bayang magiliw si Pops Fernandez kaya nakapagpainterbyu pa siya sa mga reporters tungkol sa away nina Jomari Yllana at Martin Nievera.

Walang masyadong sinabi si Pops. Nag-wish lang siya na maging maayos ang ending ng isyu para hindi na ito lumaki.

Halatang hurting pa rin si Pops sa break up nila ni Jomari na hindi nakapagtataka dahil matagal din ang kanilang pagsasama.

Maganda at bagets-looking pa rin si Pops. Imposible na hindi na siya magmamahal uli. Yun nga lang, maaga pa para magkaroon si Jomari ng kapalit sa puso niya.

* * *

Hindi ako nakapunta sa presscon ng Zorro pero nakarating sa akin ang mga excellent reviews tungkol sa bonggang presentation ng Kapuso network.

Sa totoo lang, pinag-iisipan, pinaghahandaan at ginagastusan ng GMA 7 ang mga presscon ng ka­ni­lang mga bagong show.

Hindi na ako nagulat nang mabalitaan ko ang magandang presscon ng Zorro. Maaga ang call time ng cast sa GMA dahil nagkaroon pa sila ng rehearsal.

Nalaman ko ito dahil nagkausap kami ni Sandy Andolong. Tinanong ko siya kung bakit ang aga-aga niyang pumunta sa GMA. Ang sey ni Sandy, maaga ang kanilang call time dahil may rehearsal pa sila at doon na rin sila magbibihis at maglalagay ng make-up.

Ganyan ka-dedicated ang mga artista ng Zorro. Gusto nilang matuwa at ma-satisfy ang press sa pagpapakilala na gagawin nila.

Maganda ang role ni Sandy sa Zorro. Dusa nga lang ang pagpunta niya sa location dahil magkabilang dulo ang pinanggalingan at pinupuntahan niya. Nakatira si Sandy sa Parañaque at sa Bataan pa ang taping ng Zorro. Bawi naman ang layo ng kanyang binibiyahe dahil maganda raw talaga ang kuwento at mga eksena ng Zorro.

* * *

Bigyang-daan natin ang e-mail mula kay Brenda Calimlim ng Germany na naghahanap ng kasagutan sa kanyang mga katanungan:

Ate Lolit, pakisagot nga itong mga tanong na ito, please? Sino ang mga wives nina Juan Rodrigo, Tony Mabesa at Tommy Abuel? Magagaling silang actors sa Pilipinas, but rarely do we hear about their private lives. Mga guwapo pa naman at macho sila. Nakaka-el silang tingnan sa screen. (Ang Totoong Buhay ni Pacita M, Ploning, T-Bird at Ako, they were very good in these good movies.)

At, kailan maaaring pagsamahin sa pelikula sina Susan Roces, Boots Anson Roa, Lorna Tolentino, Carmina Villaroel? They have all the faces that refreshes. And they all have semblances in their facial looks and demeanor. Very respectful and very dreamy personalities. Salamat po. We read your column everyday here in Germany. Konti lang ang mga Pilipino dito, but we are cool and very happy with our lifestyle dito sa Bonn. Regards to you and your family.

Sa mga gustong sumagot sa mga question ni Brenda, ito ang kanyang e-mail address: bgermany14344@aol.com.

Show comments