The Secret of Moonacre inspirasyon ng librong Harry Potter

MANILA, Philippines - Alam ba ninyo kung saan kinuha ng sikat na nobelistang si J.K. Rowling ang kanyang inspirasyon para sa pagsulat ng pakikipagsapalaran ni Harry Potter? Walang iba kundi sa klasikang librong pambata ni Elizabeth Goudge na ngayo’y isa na ring kamangha-manghang pelikula na pinamagatang The Secret of Moonacre.

 Bida rito ang napakagandang dalagitang aktres na si Dakota Blue Richards na nakasama nina Nicole Kidman at Daniel Craig sa nag-hit sa takilyang The Golden Compass.

 Sa bagong movie, si Dakota’y gumaganap bilang si Mary, isang ulila na napadpad sa misteryosong Moonacre Manor kung saan ay nadiskubre niya ang isang mahiwagang mundo na may kakaibang mga nilikha. Palabas na bukas, Marso 18, ang The Secret of Moonacre ay ginamitan ng mga makabagong imbensyon sa digital effects at animatronics.

Show comments