MANILA, Philippines - Malabo na palang matuloy ang sana ay pagsasamahang pelikula nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual. Yup, you read it right. Hold daw muna ang nasabing project dahil uunahin muna ang project with Gerald Anderson na ’di pa sure kung sa movie or TV.
Marami raw hindi nag-agree sa nasabing project kaya hindi na itinuloy.
Anyway, nakaalis na si Sarah para sa kanyang Sarah Geronimo: The Next One US tour. Almost two months din siyang mawawala. Kasama niya sa tour sina Billy Crawford, Mark Bautista at Charlie Green na maglilibot sa Amerika.
o0o
Totoo kayang hindi nag-aattend ng session sa konseho ng Caloocan si Marjorie Barretto?
Marami na raw naghahanap sa kanya lalo na yung mga nanghihingi ng tulong sa mga lokal na pulitiko.
Maraming nagmamalisya sa biglang pag-disappear ni Marjorie dahil maraming beses na nabalitang preggy umano siya.
Naku, mahirap paniwalaan hangga’t walang lumalabas na Marjorie na malaki ang tummy.