Pops biglang nanahimik!

Umiral ang pagiging tatay ni Michael de Mesa. Ipinagpaliban niya ng isang araw ang kanyang biyahe sa Amerika dahil sa birthday ni Geoff Eigenmann.

Sa March 23 ang 24th birthday ni Geoff at ito rin sana ang araw ng pag-alis ni Michael na permanente nang maninirahan sa Amerika.

Aminado si Geoff na magkaugali sila ng kanyang fadir kaya close sila sa isa’t isa.

Nag-promise si Michael sa kanyang anak na malayo man sila sa isa’t isa, palagi siyang available para kay Geoff.

* * *

Ang galing ng photographer ng Philippine Star ha?

Nakunan niya ng litrato ang sweet moments nina Paolo Contis at Lian Paz sa Bohol.

Nagbakasyon ang dalawa sa Bohol at Cebu dahil 25th birthday ni Paolo noong Sabado.

Hindi pa bati si Paolo at ang kanyang mommy na anti-Lian. I’m sure, hindi type ni Mommy Jean ang mga lumabas na lovey-dovey photos ng kanyang anak at ng gf nito.

* * *

Dumating na kahapon mula sa Singapore ang cast ng All About Eve.

Eksaktong 1:25 p.m. nang lumapag sa international airport ang eroplano na sinakyan nila.

Walang nasayang na araw sa taping ng All About Eve sa Singapore dahil maraming eksena ang nakunan.

May permit ang shooting kaya kampante ang production crew. Yun nga lang, dinumog ng mga kababayan natin sa Singapore ang mga artista ng All About Eve.

* * *

Ang haba-haba ng buhok ni Pops Fernandez. Dalawang lalaki ang nagsasagutan nang dahil sa kanya habang tahimik lamang siya.

Apat na taon din pala ang itinagal ng relasyon nina Pops at Jomari. Ganyan kabilis ang takbo ng panahon.

Eh malabo nang magkaroon ng balikan dahil nagsalita na si Jomari na napagkasunduan nila ni Pops na mas mabuti na maging magkaibigan na lang sila.

Wala na talagang rason para mag-react si Martin Nievera dahil nagkausap at nagkaayos na pala sina Pops at Jomari. Matatapos lang ang isyu kung hindi na sila magsasalita pa sa media. Am I right Mr. Nievera? Mr. Nievera talaga o!

Show comments