Kris minamadali nang mag-asawasi Korina

Kung hit parati ang team-up dati nina Richard Gutierrez at Angel Locsin na naputol lamang nang lumipat sa Kapamilya network ang huli, mukhang ganundin ang nangyayari ngayon kina Richard at Rhian Ramos na may kung ilang beses nang nagkatrabaho sa telebisyon at maging sa pelikula. Nagkatrabaho sina Richard at Rhian sa Captain Barbell at Lupin at maging sa pelikulang The Promise. Sa pinakabagong teleserye ni Richard, ang Zorro na magsisimulang mapanood sa ere sa Marso 23, balik-tambalan sila ni Rhian sa ikatlong pagkakataon. 

“Masarap katrabaho si Rhian. Magaling siya at very professional,” pagma­malaki ng nakababatang kapatid ni Ruffa Gutierrez.

Wala ring itulak kabigin si Rhian kung si Richard ang pag-uusapan. “We’re very comfortable with each other kasi maraming beses na kaming nagkasama sa trabaho,” ani Rhian.

* * *

 Malabo na sigurong i-link si Angel Locsin either kina Sam Milby at Diether Ocampo dahil meron na siyang Luis Manzano at ‘taken’ na rin si Diether. Since paalis si Luis patungong New York para sa movie nila ng Star for all Seasons na si Vilma Santos at John Lloyd Cruz, susunod umano sa NY si Angel para doon nila ni Luis i-celebrate ang kanilang magkasunod na kaarawan sa buwan ng Abril. 

* * *

Bago nagsimula ang programang SiS nina Janice de Belen, Gelli de Belen at Carmina Villaroel nung nakaraang Miyerkules, sandali naming nakaku­wentuhan ang singer-comedian-turned politician na si Teri Onor, ang kasaluku­yang nakaupong vice-mayor ng Abucay, Bataan. 

Ang mayor naman ay ang kanyang lola sa pinsan na si Mayor Ana Dominguez na kapareho niyang first termer.

Ayon kay Teri, marami umano siyang natutunan magmula nang siya’y umupo bilang pangalawang alkalde ng Abucay at nagi-enjoy siya bilang isang public servant at marami siyang natutulungan among his constituents.

Sa 2010 elections, balak ni Teri na tumakbo sa pagka-bokal ng Bataan dahil mas malaki umano ang kanyang maitutulong.

Samantala, sinabi ni Teri na kahit pinasok na niya ang pulitika, hindi nangangahulugan na tinalikuran na niya ang kanyang showbiz career kung saan siya unang nakilala. Ang kasamahan natin sa panulat na si Jun Nardo pa rin umano ang kanyang manager hanggang ngayon.

* * *

Kung si Kris Aquino lamang ang masusunod, gustung-gusto na niyang mag-asawa ang kaibigan niyang si Korina Sanchez sa longtime boyfriend nitong si Sen. Mar Roxas.

Kapag nangyari ito, gusto ni Kris na ang anak nila ni James Yap na si Baby James ang maging ring-bearer. Pero hanggang ngayon ay ayaw pa ring magbigay ng kongkretong sagot sina Korina at Sen. Mar tungkol sa plano nilang pagpapakasal. 

Mahigit limang taon na rin ang relasyon ng dalawa.

Hindi kaya mas maganda kung may First Lady na si Sen. Mar kapag siya’y nahalal na pangulo sa 2010 elections? At sa totoo lang, si Korina ay isa sa mga alas ni Sen. Mar.

* * *

 a_amoyo@pimsi.net

Show comments