Matapos pumayag na maging cover sa isang men’s mag na kung saan ipinakita ni Kaye Abad na puwede siyang magpa-sexy kung gugustuhin niya, pero hindi niya ginagawa matangi sa pagkakataong iyon na hindi na kailanman naulit.
Kilala si Kaye sa pagiging isang mahusay na dramatic actress. Sa kanyang gulang ay maihahanay na siya sa iilang kabataang artistang babae na napakalaki ng potensyal na maging isang malaking artista pero, tila hindi ito ang pangarap niya. Katunayan, pinabayaan niyang magkaroon ng malaking puwang ang kanyang career, matagal na panahon din siyang hindi nakitang umaarte sa pelikula man o telebisyon. Akala tuloy ng mga tagasubaybay niya ay nag-settledown na siya with the man in her life.
But all of a sudden, Kaye decides to make one of her rare appearances on television, sa May Bukas Pa. Gagampanan niya ang role ni Minerva na ang buhay ay binago ni Santino. Makakasama niya si Joross Gamboa.
Samantala, patuloy na nangunguna ang May Bukas Pa sa ratings game nationwide ayon sa TNS survey.
Sa mga susunod na tagpo, dalawa sa mga pari sa monasteryo, na sina Father Ringgo (Lito Pimentel) at Father Jose (Dominic Ochoa) ang may madilim palang nakaraan. Malalaman na si Father Ringgo pala ay isang ex-convict at si Father Jose naman ay nasampahan dati ng manslaughter. Subaybayan weeknights pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.
* * *
Isang gentleman pa rin naman pala si Jomari Yllana, nang hindi ito magsalita ng anupaman tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila ni Pops Fernandez sa bagong programa ng GMA 7 na Cool Center. Akala ko kasi magbibigay na siya ng panig niya sa isyu at sisiraan si Pops pero, hindi pala. Bagaman at nag-comment siya, ang mga sinabi niya ay nagbigay sa kanya ng pogi points. Instead, nag-focus siya sa pagtutuwid ng isyu tungkol sa kanila ni Maui Taylor, pagbibigay ng comment sa pagtanggi ng isa pa niyang ex, si Ara Mina na makisawsaw sa isyu. Pero hindi ang pakikisawsaw ni Martin Nievera sa isyu ang hindi niya minaganda. The gesture endeared him more sa mga TV viewers na matapos mapanood si Pops sa ABS CBN were expecting him to answer point by point ‘yung mga ipinagtapat ng kanyang ex girlfriend. Pero ang sinagot niya ng point by point ay ‘yung mga sinasabi ni Martin Nievera sa internet. Okay sa akin yun, lalaki sa lalaki, man to man.
Mabuhay kay, Jom, maginoo ka. Any unnecessary response would have been misinterpreted at maglalagay lamang sa iyo sa alanganin dahil lalaki ka. Besides, wala namang kasiraan mo na narinig from Pops. At least, in that respect, may paggalang pa rin si Pops sa iyo.
Tungkol naman sa bagong serye mo, bagay ka sa Zorro, kahit na ang role mo ay yung mayamang Don Diego dela Vega, ang orihinal na Zorro na magsasanay kay Richard Gutierrez, para maging bagong Zorro na sa movie version ay ginagampanan ni Anthony Hopkins. I thought mas bagay sa kanya yung role ng makakaribal ni Richard kay Rhian Ramos.
Tungkol naman sa Cool Center, matchmaking program pala ito, katulad ng isang programa sa LSFM na naririnig ko gabi-gabi. Mas maganda sana kung makapagbibigay sina Anjo Yllana at Eugene Domingo ng update sa mga pinagpapareha nila.
* * *
Namatay bang talaga si Jake Cuenca sa Tayong dalawa? Para kasing pinadali ang kanyang kamatayan - ang buhay para kina Kim Chiu at Gerald Anderson. Nung buhay kasi siya, palagi na lang nanghuhula ang mga manonood kung paano makukuha o maaagaw ni JR si Audrey kay Dave, ngayon, wala nang balakid.
Mapapanood weeknights pagkatapos ng I Love Betty La Fea sa ABS-CBN ang Tayong Dalawa.