Taping ng Kakasa... 'di sinipot ni Janno; Kuh umaming wala nang pera

Is no one smarter than Janno Gibbs?

Nitong Sabado, hindi kumasa ang staff ng prog­ramang Kakasa Ka Ba Sa Grade V sa biglaang no-show ng host nitong si Janno Gibbs. Bale ba, araw ‘yon ng taping na mabuti-buti raw sana kung merong nakabankong episode for airing.

Bigla tuloy napadpad si Jocelyn Arino, executive producer ng KKBSGV, sa Startalk, pilit na nililigawan si Joey de Leon na kung puwede’y mag-pinchhit muna kay Janno na nagpasabi lang through text na, “hindi ako makakapasok, may sakit ako.” Efforts by the other program staff to reach Janno proved futile.

Ang katwiran ng staff, kung nag-abiso man lang daw si Janno nu’ng Friday night, and not one the day itself, it would have been easier for them to look for a temporary replacement.

Matagal nang sitsit among his co-workers ang tardiness problem ni Janno when reporting for work to the point na inirereklamo nila ang ugaling ito ng TV host-actor. Obviously, this is already a thing of the past dahil nahalinhan na ito ng absenteeism. What’s funny, isang mala-classroom scene ang tema ng programa, kung saan ang mismong professor ay nagka-cutting.

* * *

Dapat sana nitong Sabado sa Startalk ay maggi-guest ng live si Kuh Ledesma to answer the charges made by the daughter of her former cook who sustained third degree burns na siyang ikinasawi nito noong June 2008.

Kuwento ni Julie, anak ni Aling Elisa na nasa empleyo noon ng diva in her Hacienda Isabella Restaurant in Cavite, napilitan na lang daw siyang idulog ang kaso sa abogado nang tumanggi umanong bigyan ni Kuh ng tulong-pinan­siyal ang namayapang ina.

May 2008 daw nang masunog ang sitenta’y uno anyos na si Aling Elisa habang nag-iihaw. Highly flammable daw ang gas na ginamit sa pagpapa­ningas, dahilan upang kumapit sa damit ng matanda ang apoy. Ngunit sa halip daw na dalhin agad sa pinakamalapit na ospital ang biktima’y sa kung saan muna raw ito isinugod, hapon na nu’ng madala sa PGH sa Maynila.

Reklamo ni Julie, urong-sulong pa raw si Kuh sa mga gastusin sa gamot maging ang pagkain ng nagbabantay sa pasyente ay walang ibinibigay ang singer. Kinamatayan na makalipas nang isang buwan ni Aling Elisa ang kasong binabalik-balikan daw ni Julie kay Kuh, hanggang isang araw ay nainsulto na lang daw ito nang paabutan siya ng halagang dala­wang daang piso. Hindi raw ‘yon tinanggap ni Julie, bagkus ay hinarap niya si Kuh at tinanong kung magkano raw ba ang inaasahan nitong ibibigay sa kanya?

“Magkano ba ine-expect mo, Julie? Five thousand? Ten thousand? Wala akong pera,” kuwento ni Julie sa kanyang Startalk interview. Last minute, ipinakansela ng abogado ni Kuh ang guesting ng kan­yang kliyente.

Ang mga detalye ng kuwentong ito, tunghayan sa aming kolum bukas.

Show comments