Pagi-English ni Manny ginaya ni Robin

MANILA, Philippines - Seen : Ang funny new TV commercial ni Manny Pacquiao.

Inglisero si Manny sa TV commercial na ginaya sa TV ad ni Robin Padilla. Inglisero rin si Robin sa commercial nito.

Scene : Ang paninindigan ni Aljon Jimenez na hindi niya kilala si Lalaine Garcia-Jimenez.

Si Lalaine ang babae na naghahabol kay Aljon. Kasal daw sila at may isang anak. Jimenez ang apelyido na ginagamit ni Lalaine. Manaloto ang tunay na family name ni Aljon.

Seen : Nakarating sa Laguna ang mga puting lobo na pinalipad sa araw ng libing sa abo ni Francis Magalona sa Loyola Memorial Park, Marikina.

Scene : Sintunado ang boses ni PJ Valerio sa production number niya sa SOP kahapon.

Hindi dapat pinapakanta si PJ upang hindi siya makatikim ng mga panglalait.

Seen : Wala si JC de Vera sa mga male Kapuso star na nag-welcome kay Geoff Eigenmann sa pagbabalik nito sa GMA.

Si JC Tiuseco ang nag-welcome kay Geoff. Dapat iwasan ni Geoff ang mabilis na pagsasalita, nabubulol siya.

Scene : Gagawin nang full-length movie ang Nieves episode ng Shake, Rattle & Roll X. Si Marian Rivera ang gumanap na Nieves na magiging entry ng Regal Films sa 2009 Metro Manila Film Festival.

Seen : Ang matagumpay na concert ng Journey sa concert grounds ng Mall of Asia noong Sabado ng gabi. Ipinakita ni Arnel Pineda ang world-class talent sa pag-awit ng mga Pinoy.

Scene : Si Girlie Rodis na ang hahawak kay Korina Sanchez. Si Veanna Fores ang nakipag-usap kay Girlie. Pinsan ni Senator Mar Roxas si Veanna. Si Korina ang girlfriend at future wife ng senador na kakandidatong presidente ng Pilipinas sa 2010 presidential election.

Show comments