Ayaw nang bumalik ng Amerika ng sikat na aktres dahil tuluyan nang tinuldukan ang relasyon nila ng asawa. Mas tahimik ang kanyang buhay dito sa bansa sa piling ng anak at hindi naman siya nawawalan ng proyekto.
Inamin ng aktres na babaero ang kanyang asawa at kapag nalalasing ay tinututukan daw ito ng baril. Ayaw man aminin, may ibang nagpapalagay na battered wife ang magandang aktres.
Para makalimutan ang sakit ng paghihiwalay nila ng asawa ay nagko-concentrate ito sa kanyang anak at pag-aartista.
* * *
Sana hindi totoo ang balitang mabait (o bumait?) lang si Marian Rivera sa mga press people pero hindi pa rin nagbabago ang pag-uugali nito sa mismong mga staff members na nakakatrabaho niya.
Isang very reliable source ang nagsabing pareho pa rin ang ugali nito noon at ngayon lalo na sa mga staff at crew at lumalabas pa rin ang kasupladahan.
Sa kabilang banda, may mall tour ngayong linggo ang kanyang Retro Crazy album na gagawin sa Robinsons Imus ganap na 6:00 p.m. Gagawin nito ang ilang selections mula sa gold certified album kabilang na ang single na Sabay-Sabay Tayo composed by Geleen Eugenio.
* * *
Nakausap namin si Mark Anthony Fernandez at sinabing tuloy na ang kasal ng kanyang ina sa Marawi Mayor sa April 9 sa Marawi City sa pamamagitan ng Muslim rites. Si Mark ang maghahatid sa kanyang ina at masaya siya dahil feel niya na masaya at in love si Ness (Alma Moreno) sa mapapangasawang alkalde.
Nakausap namin ang isang Muslim na producer ng World Asia Film Exchange na si Randy Badron at sinabing hindi naman mapipilit si Ness kung ayaw nitong magpa-convert bilang Muslim.
Si Mark Anthoy naman, buti’t naayos na ang munting gusot sa pagsasama nila ng asawang si Melissa. Sinabi ng aktor na personal ang dahilan ng kanilang marital problem at hindi dahil sa selos.
* * *
Talagang mai-in love ka sa mga awitin ng world champion na si Jed Madela, ang winner sa 2005 World Championships of the Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood, California.
May ika-limang album si Jed under Universal Records na ang mga awitin ay remake songs noong dekada 80 at 90 at bibigyan niya ng tribute ang ilan sa malalaking OPM hits sa pamamagitan ng kanyang Songs Rediscovered 2: The Ultimate OPM Playlist album.