Francine pasa-pasa, nahulog sa hagdan

May malaking pasa sa kaliwang hita at binti si Francine Prieto nang makita namin sa taping ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang sa malayong Baras, Rizal. Walang bumugbog sa actress, nahulog siya sa hagdan ng kanyang bahay, dumausdos sa baitang at nagka-pasa nga.

Hindi na inalam ni Francine kung ilang baitang siya nahulog at sa taas nang kinahulugan, muntik niyang mabuong dausdusin ang buong hagdan ng bahay nila. Pasmado raw ang mga paa niya, basa ng pawis ang suot na tsinelas, kaya naaksidente siya. Pasalamat ito na hindi ulo niya ang apektado, kundi left side lang ng kanyang katawan.

Samantala, sa mga susunod na episodes ng Ang Babaeng…, kamumuhian si Francine ng fans ni Marian Rivera dahil sasaktan niya ang actress mula sa sampal, sabunot at iba pang pisikal na pananakit. Naaawa siyang sampalin si Marian dahil maliit ang mukha at kulang pa ang palad niya sa mukha nito. Nang hawakan ang buhok para sabunutan, nanipisan siya sa buhok ng dalaga at baka madala ‘pag sinabunutan niya.

Nalilinya sa kontrabida roles si Francine and she doesn’t mind daw dahil bagay sa kanya’t malaki siyang babae. Wala rin siyang reklamo sa stunts na ipagagawa sa kanya, basta ‘wag lang siyang palanguyin dahil hindi siya marunong lumangoy.

* * *

From a source, nabalitaan naming sarado na naman ang Gota Beach  sa Caramonan sa Camarines Sur yata ito dahil sa taping ng Survivor episodes from four different countries. Hanggang July daw sarado ang beach dahil sunud-sunod ang taping doon.

Nauna nang mag-shoot ang Survivor Israel  at susunod ang tatlo pang bansa. Kundi kami nagkakamali, sa Gota Beach din nag-shoot ang version ng reality show ng France, kaya maraming Pranses ang naka-diskubre sa Pilipinas.    

* * *

Ang APT Entertainment ang tutupad sa matagal ng request ng fans nina Marian Rivera at Dennis Trillo na sila’y pagtambalin dahil sila ang magkasama sa Lenten presentation entitled Sugat ng Kahapon. Mapapanood ito sa April 11 (Black Saturday), 7:00-9:00 p.m, sa GMA-7 sa script ni Jun Lana at direction ni Mac Alejandre.

* * *

Magpa-pilot this Sunday ang Karibal  episode ng Dear Friend  na kinunan pa ni direk Jun Lana sa Dakak Resort. Tampok dito sina Katrina Halili, Jewel Mische, JC Tiuseco at Alfred Vargas sa masalimuot na istorya ng pag-ibig.

Speaking of Katrina, nasa Davao siya bukas para mag-promote ng Sundo, pero babalik din para makadalo sa premiere night ng pelikula sa Martes, March 17 sa SM Megamall. Sa Mar. 18, ang opening ng action-horror movie ng GMA Films.

Tinitingnan pala namin ang boobs ni Katrina dahil sabi nito, lumiit ang boobs niya nang pumayat siya. Mas maliit na raw sa 34 Cup C ang boobs niya ngayon, pero parang malaki pa rin naman ang tingin namin.

Show comments