Each passing day, parami nang parami ang ilang napapabalitang personalidad who are hell-bent in joining the political fray.
Over in the City of Manila, maugong ang balitang tatakbong konsehal sa District 3 si Anjo Yllana. Hindi lingid sa ating kaalaman that Anjo traces his roots to Parañaque City kung saan nagsilbi pa siyang bise alkalde. If reports are true, hindi ba’t self-demotion ang maitatawag dito?
Ani Anjo nang makausap ko, hindi raw totoong balak niyang kumandidatong konsehal sa syudad na pinamumunuan ni Mayor Alfredo Lim. Nagkataon lang daw na marami siyang tropa sa mismong distrito na ’yon na madalas niyang dalawin.
Suspetsa ng aktor, maaaring sineryoso raw ang minsang binitiwan niyang joke na tiyak na shoo-in siya sa pagka-councilor kung tatakbo siya sa Maynila,” pag-amin ni Anjo.
* * *
Kumpirmado na nga bang rarampa si Boy Abunda all the way to Congress in the 2010 elections? If it’s any indication, ang minsang pambubuking ng co-host ni Kuya Boy na si Kris Aquino sa Showbiz News Ngayon (SNN) would say it all.
Huwag na sigurong gawing batayan ang third person opinion, let Kuya Boy’s pursue of a degree in diplomatic relations at the Philippine Women’s University speak for itself. Am I to assume na bihasa na ang King of Talk sa public administration, hence the shortcut?
Tuloy, mas timing ang bagong career path na nais tahakin ni Kuya Boy lalo’t isinusulong ni Senate House Speaker Juan Ponce Enrile na dagdagan ng isandaan ang kongresista ang Mababang Kapulungan to address the needs of 88 million Filipinos na bumubuo ng ating populasyon sa ngayon.
Go, go, go, Kuya Boy!
* * *
Isinusumpa ni Mommy Carol Santos na huling pagpapainterbyu na niya ang nasaksihan n’yo sa Startalk kahapon, ito’y kaugnay pa rin ng umano’y tampo niya kay Judy Ann Santos sa kung anong petsa nga ba idaraos ang kasal nila ni Ryan Agoncillo.
Inamin ni Mommy Carol na totoo, ikinasama niya ng loob ang kaliwa’t kanang interview kina Juday at Ryan, leaving her clueless about the wedding details. Ngunit isang text message daw ang natanggap niya mula sa anak na nagpapaliwanag na wala pa umanong pinal sa magaganap na kasal.
Kasabay nito, pinabulaanan ni Mommy Carol ang balitang hindi siya pabor kay Ryan bilang kanyang future manugang. Since Day 1 daw nung makilala niya ang nobyo ng anak, malakas daw ang gut feel ni Mommy Carol na hindi nito pababayaan ang aktres.
Gasgas man ang kasabihan, the saying “Mother knows best” holds water. Let’s give in to the would-be couple… let them get wet.