MANILA, Philippines - Ang kasaysayan ng pelikulang may halong seks mula noong 1920s hanggang sa milenyo ang tatalakayin ng peryodistang pampelikula na si Boy Villasanta sa kanyang ikatlong libro, ang Seksinema.
Ang aklat ay may personal na paglalahad ng kanyang mga karanasan sa panonood ng pelikula mula nang siya’y paslit hanggang sa maging estudyante sa kolehiyo na humulma ng kanyang oryentasyon sa mundo at sa gender issues. Tatalakayin din ang filmograpiya ng mga pelikulang may halo o ideya ng seks kabilang ang argumentasyon at diskusyon tungkol sa homorotisismo.
May seksyon din na nakalaan kung nasaan na ang mga sexy, bold, pene, ST, TF at erotic na mga bituin na nagpaningning sa pelikulang Tagalog mula noon hanggang ngayon.
Ilulunsad sa ika-14 ng Marso sa Starmall Activity Center sa EDSA Crossing at Shaw Boulevard sa Mandaluyong City, ang Seksinema ay inilalathala ng The World Publishing House at puwede nang mag-order ng kopya sa cellphone number 0916-7539962.