Robin nililinis muna ang CR bago pinapasok si Rhian

Kilala na si Robin Padilla sa pagiging sobrang gentleman sa lahat ng leading lady kaya puring-puri nila ang ugali nito. Isa na rito si Rhian Ramos na gumaganap na kapatid niyang bulag sa pelikulang Sundo.

Tinanong namin ang magandang aktres kung paano ba siya alagaan sa set ng action star.

“Napakabait po ni Robin at talagang maalaga sa set. Touched nga po ako dahil minsan nang pumasok ako sa CR, pumasok muna siya at nilinis ito. Tiningnan niya muna kung maayos ang CR bago niya ako pinapasok,” anang aktres. “Ganyan po siya ka-sweet!”

Maraming natutunan si Rhian kay Robin gaya ng pagmamahal sa trabaho kung saan taglay nito ang disiplina at kahit walang tulog ay hindi siya makikitang pagod.

“Kahit big star wala siyang arte, hindi masungit at pwede mo siyang lapitan anytime,” dagdag pa nito.

Punumpuno ng suspense ang Sundo na palabas na sa March 18 sa direksyon ni Toppel Lee.

* * *

Dumalo kami sa Ani ng Sining Closing Ceremony at Ani ng Dangal Awards Night kung saan isa sa pinarangalan ay ang Halili-Cruz School of Ballet na pinamamahalaan ng founder at artistic director na si Shirley Halili-Cruz.

Ito’y sumusuporta at tumutulong sa mga kabataang babae at lalaki na may talino sa pagsayaw at nagbibigay din ng scholarships to 100 deserving students. Ang HCSB ay matagumpay na kumakatawan sa Pilipinas sa maraming international competition at festivals sa Australia, Singapore, Hong Kong, Taiwan, Thailand, China, Brunei, Japan, Korea, Germany at sa Amerika. Kamakailan lang ay nanalo ang HCSB ng four perpetual trophies at 20 first prizes sa iba’t ibang dance categories sa 10th Asia Pacific Dance Competition na idinaos sa Singapore.

* * *

May acronym sa pangalan ni Alfred Vargas at bawat isa ay ang kahulugan ng kanyang proyekto. Siya’y tatakbong konsehal sa second district ng Quezon City. Ang A ay para sa alarm bell, ang L ay para sa livelihood program, ang R ay recreation na magbibigay ng mga pagkakaabalahang gawain sa mga kabataan para maiwasan ang paggamit ng bawal na gamot, ang E naman ay education para sa ibibigay na scholarship at ang D ay development ng health center para ma-improve ang mga facilities at makapagbigay ng murang gamot.

Kahit abala sa pag-aartista, sinabi ng aktor na kaya niyang hatiin ang kanyang oras makapaglingkod lang sa mga tao.

“Bata pa ay pangarap kong maging public servant at dahil sa sobrang blessing na natatanggap ko ngayon ay nais kong ibahagi ito sa aking kapwa lalo na doon sa mga kapuspalad,” paliwanag ni Alfred.

Kasama ang aktor sa All About Eve na mapapanood na sa March 9 sa GMA 7.

Show comments