^

PSN Showbiz

Ogie nai-excite kay Juday

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Dilaw ang motiff ng presscon ng Oh My Girl! (OMG) kaya dilaw ang kulay ng mga damit na suot nina Ogie Alcasid at Judy Ann Santos.

Yellow din ang kulay ng mga outfit nina Mother Lily Monteverde, Roselle Monteverde at ng OMG director na si Dante Garcia.

Sa May 2009 ang playdate ng Oh My Girl!, ayon kay Mother Lily. Eh May din ang kasal nina Juday at Ryan Agoncillo kaya wedding presentation ng Regal Films ang last movie ni Juday bilang single lady.

Puro tungkol sa nalalapit na pagpapakasal nila ni Ryan ang mga tanong kay Juday. Nasubaybayan ng mga reporters ang pag-uumpisa ng love affair ng dalawa kaya excited sila sa Juday-Ryan wedding sa May.

Blooming si Juday. Hindi puwedeng i-deny na handang-handa na siya sa nalalapit at importanteng araw sa buhay nila ni Ryan.

* * *

Si Ogie Alcasid ang nag-request na makapareha niya sa pelikula si Juday. Ang sey ni Ogie, matagal na mula nang maging leading man siya sa isang movie project kaya looking forward siya sa first shooting day nila ni Juday.

Ipinagmalaki ni Ogie na may theme song na ang pelikula at composition ito ni Roselle. Ipinarinig ni Ogie sa mga reporters ang kanta na naisip ni Roselle para sa Oh My God!

* * *

Umalis kaagad si Ogie sa story conference ng Oh My Girl! dahil may show pa siya sa Sta. Rosa, Laguna.

Pupunta rin siya sa burol ni Francis Magalona sa Christ the King Church sa Greenmeadows. Magkaibigan ang dalawa kaya nalungkot nang husto si Ogie nang malaman niya ang balita tungkol sa pamamaalam ni Francis.

* * *

Matagal nang tapos ang concert ni Christine Escudero sa Teatrino Greenhills pero pinag-uusapan pa rin ito. Hindi malayo na magkaroon ng repeat ang concert ng loving wife ni Senator Chiz Escudero.

Pinahanga ni Mama Christine ang kanyang audience na gulat na gulat dahil hindi nila akalain na maganda ang boses niya.

Supportive husband ang role ni Papa Chiz ng gabing ’yon. Siya ang wind beneath the wings of her wife.

Singer na si Mama Christine sa Sulu Hotel nang makilala siya ni Papa Chiz. Pansamantalang huminto si Mama Christine sa pagkanta dahil nag-concentrate siya bilang housewife at ina ng kambal na anak nila ng batambatang senador.

Nakasama ni Mama Christine sa nasabing concert ang mga kaibigan niyang sina Odette Garcia, Marisse Santos at Bimbo Cerrudo.

Ang Department of Social Work and Development (DSWD) sa Sorsogon ang beneficiary ng concert. Number one supporter ng DSWD Sorsogon ang mag-asawang Christine at Chiz.

Ano ang sey ni Papa Chiz sa successful show ng kanyang asawa? “My wife is her own person and I am very happy that she develops as a person separate and distinct from me, from her family. I feel that she’s just happy to love me and the kids, and I think it’s coming from the fulfillment she gets as Christine Escudero, the artist, the teacher, and the mother and not Christine Escudero as the wife of…”

                                                

BIMBO CERRUDO

CHRISTINE

CHRISTINE ESCUDERO

JUDAY

MAMA CHRISTINE

OGIE

OH MY GIRL

PAPA CHIZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with