Itinuturing na answered prayer ni Amy Austria ang pagdating ni Duke sa kanyang buhay (and that makes her duchess?). Widowed by Jay Ilagan who perished in a motorcycle accident several years ago, buong akala ng isa sa mga paborito kong aktres na hindi na niya matatagpuan ang kanyang Mr. Right.
Inamin ni Esme (nickname ni Amy whose real first name is Esmeralda) na idinasal daw niya sa Panginoon ang magiging kapalit ni Jay, that is, kung pahihintulutan siyang magkaroon ng partner. Pero kung hindi naman daw, she wouldn’t mind staying single for the rest of her life.
Ito ang karanasang nais ibahagi ni Amy sa kanyang bespren na si Lorna Tolentino, also a widow. Kung nangyari raw sa kanya ang muling makatagpo ng bagong mamahalin, hindi imposibleng makakakita rin si Ms. LT ng para sa kanya.
Pero alumpihit ang biyuda ni Rudy Fernandez, magkaiba naman daw kasi ang sitwasyon nila ni Amy who had found Duke in her 30s samantalang nasa liyebo kuwarenta na siya. But Amy is quick to refute that: sa larangan daw ng pag-ibig, walang edad-edad. To top it all, ang hitsura raw ni Lorna, bagama’t in her 40s, looks younger than those in their 30s.
I certainly agree. Bahagi ng proseso ng pagmu-move on ni Lorna is having to deal with the reality (na inamin din naman niya) na balang-araw will have to find a partner who will take care of her sa kanyang pagtanda.
Go, Ms. LT. After all, may blessing na rin ’yon ni Kuya Rudy, basta ba huwag lang ’di hamak na mas bata sa ’yo. Even then, wala sa edad ang pag-ibig.
* * *
After his stint in Lalola, wala pang tiyak na follow-through project si JC de Vera, at ito ang ipinagsisintir ni Annabelle Rama, manager ng aktor. Hence, ang banta ni Tita A na kung wala pa rin daw malinaw na proyekto ang alaga until March 14, mass pull-out ng kanyang mga alaga sa GMA 7 ang kanyang gagawin.
Tita A’s talents number about more than a dosen, parang ang anak niyang si Ruffa Gutierrez lang ang bukod-tanging nasa ABS-CBN, the rest are tied to GMA 7: From Richard Gutierrez down to Ehra Madrigal.
I am not here to defend GMA 7, ikokonek ko lang ito sa dating kaso ni AiAi delas Alas na ilang buwan ding nawalan ng trabaho sa ABS-CBN after her contract expired. Yet there was no single time that I heard AiAi’s manager Boy Abunda say he was pulling the comedienne out of ABS-CBN.
Ang tanong ko lang if Tita A’s concern ay si JC lang naman whose future with GMA 7 looks uncertain, bakit idadamay niya ang iba niyang mga talents who do not share the same status with the network?
Sana lang, before words are spoken, magkaroon muna ng manufacturing of thoughts in Tita A’s brilliant mind. Acting on impulse can be dangerous.