^

PSN Showbiz

Kapusong aktor na may GF, naghahabol kay Jennica

- Veronica R. Samio -

Nagkayayaang magbakasyon sa Boracay ang magbabarkadang Isabel Oli, Glaiza de Castro, Jennica Garcia at Nadine Samonte dahil tapos na naman ang Gagambino na kung saan ay nagkasama-sama sila. Dahil pare-pareho silang mga babae kung kaya isinama nila ang boyfriend ni Nadine. Habang naroroon ay dumalaw ang sinasabing friend (o suitor?) ni Isabel na isang basketball player. Pero dahil busy ito, hindi siya nagtagal, dumating ito ng alas otso ng umaga at bumalik din agad ng Maynila ng alas onse ng umaga.

Pero may isang showbiz newbie na gustong sundan din doon si Jennica. Pumayag naman ang barkada kaya lang pabalik na ang grupo nang magsabi siya, hindi na siya umabot. Ang bagong suitor ni Jennica ay katulad niyang Kapuso rin, kilalang may girlfriend. Ewan lang kung nag-break na sila.

Guwapo ang newcomer, bago lang nag-aartista pero marami nang followers.

* * *

Tiyak na ikatutuwa ng mga tagahanga ni Claudine Barretto ang nakatakdang paglabas nito sa May Bukas Pa sa isang special role. Kahapon nagsimulang mag- taping si Claudine sa nasabing teleserye.

Claudine is playing Julia, isang babae na lumaking puno ng pait sa buhay. Until she meets Santino na babago sa kanyang pagtingin sa buhay. Aminado si Claudine na pinanonood niya ang nasabing toprating teleserye. At ang pagkakapareho ng pangalan ng bidang bata na si Zaijian Jaramilla (Santino) sa anak niya.

* * *

Mabibili na sa mga video stores ang complete DVD set (6 volumes) ng Kahit Isang Saglit.

Tampok dito sina Jericho Rosales at international actress Carmen Soo, with Christopher de Leon, Cristine Reyes, and Albert Martinez. Kinunan ito sa Malaysia and the Philippines at hinangaan ng audiences not only in the Philippines, but in other parts of the world for its excellent direction by the late Gilbert Perez and Jerry Lopez Sineneng.

 For orders in North America, mag-log on na lang sa www.starrystarry.com!

* * *

Nasa DVD at VCD na rin ang pelikula ni AiAi delas Alas na kumita ng malaki sa takilya, ang Ang Tanging Ina N’yong Lahat. Sa pelikulang ito, sa kagustuhan ng character ni AiAi na ipagkapuri siya ng kanyang mga anak, humanap siya ng bagong mapagkakakitaan. Naging pangulo siya ng Pilipinas, hindi seryoso pero mapagmahal na ina ng bansa. Hindi siya nagtagumpay, mas nagalit ang mga anak niya. Kailangan niyang pumili kung ipagpapatuloy ang pagiging ina ng bansa o ina ng kanyang mga anak.

* * *

Si Karylle ang MYX Celebrity VJ ngayong buwang ito. Abangan siya sa POP MYX ngayong March 5-7 sa kanyang pagdadala ng paboritong mga music videos. Kung gusto mong maiba at masorpresa, samahan siya sa March 8-14 sa MYXILOG.

Para sa daily dose ng romantic music, makipag-date kay Karylle sa Mellow MYX mula March 15-21. Huling hirit na sa month-long bonding kasama ang sexy singer ay ang MY MYX sa March 22-28 kung saan binabasa niya at pinapatugtog ang mga song request ng mga manonood.

ALBERT MARTINEZ

ANG TANGING INA N

CARMEN SOO

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

CRISTINE REYES

GILBERT PEREZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with