Carla biglang uso dahil kay Raymond

Seen :  Magkasama uli sina Iza Calzado at Sunshine Dizon sa All About Eve. Sila ang mga dating bida sa Impostora.

Nagreklamo noon ang nanay ni Sunshine dahil hindi niya gusto ang puwesto ng mukha ng kanyang anak sa billboard ng Impostora.

Scene : Hindi pa nasusundan ang TV show ni Gabby Concepcion sa ABS-CBN. Mag-iisang taon na ang pamamalagi niya sa Pilipinas.

Wala pa ring developments sa demandahan nila ni Rose Flaminiano, ang kanyang manager.

Seen :  Pumapayat si Mark Anthony Fernandez. Mukha siyang pagod sa presscon ng All About Eve. Kailangan niyang mag-recharge ng energy.

Scene : May eksena sa Sundo ng GMA Films na kagaya ng eksena sa T2 ng Star Cinema.

Mapapansin ito sa mga trailer ng pelikula na ipinalalabas sa mga sinehan.

Seen : Ang kissing photo ni Raymond Gutierrez at Carla Humphries na kuha sa Lago del Rey, Camarines Sur.

Nag-leak sa media ang litrato at inilabas ito sa TV Patrol noong Martes. Pinag-uusapan na si Carla dahil sa kissing picture nila ni Raymond.

Scene :  Ang TV reunion nina Gladys Reyes at Judy Ann Santos sa Nars Serye.

Sumikat ang tandem nina Gladys at Judy Ann sa Mara Clara.

Seen : Si Geoff Eigenmann sa GMA 7 building noong Martes.

Si Geoff ang ipinalit sa role na tinanggihan ni JC de Vera sa SRO Sinema Serye.

Talent si Geoff ni Perry Lansingan na manager din ni Dingdong Dantes.

Show comments