Iniintrigang personalidad buntis na ang asawa

Preggy na pala ang asawa ng isang kilalang personality na isyu sa marami ang pagpapakasal sa kanyang non-showbiz dyowa na ginagawan din ng isyu ang gender noon.

Actually, maraming nabigla nang magpakasal siya dahil hindi sila nagi-expect na magpapakasal ang showbiz personality na ito. Ang akala nila, tatanda itong binata. Mali ang lahat ng intrigero. Nagulantang sila sa malaking kasalang naganap. At ngayon nga, buntis na si misis. Pero artificial daw ito - nabuo ang bata dahil sa in vitro fertilization, kaya isyu na naman.

At least nakabuo siya noh kahit malaki ang puhunan. Besides, marami siyang datung na puwedeng gastusin sa ganito.

Basta wait na lang kayo kung sino ang susunod na manganganak.

* * *

Finally, mapapanood na ang Walang Hanggang Paalam matapos makakuha ng R-18 sabi ni Joe Barrameda na kaibigan ng actor at producer na si Jacky Woo na bida rin sa pelikula kasama si Lovi Poe.

Malamang daw na sa ibang bansa muna ito maipalabas bago mapanood dito sa ‘Pinas.

Bukod sa nasabing indie film, abala rin ngayon si Jacky Woo sa pag-aasikaso ng pagpapalabas sa Japan ng Iskul Bukol.....20 Years After - kasama siya sa nasabing pelikula nina Tito, Vic and Joey. (Sa March 13 ay sa Camp Sama sa Atsugi ang screening, sa March 14 sa Izuku Bunka Kaikan sa Fukuoka, March 15 sa Kamayan sa Yokohama, sa March 21 sa  Heartbeat sa Shisuoka at sa March 22 sa Hamamatsu. For tickets reservation ay tumawag lang sa Worldcom Japan sa 036-4027-4602.)

* * *

Nakakabilib din si Kumareng Andeng Ynares, ang first lady ng Rizal Province. Imagine kahit asawa na siya ng gobernador - Junjun Ynares na galing sa mayamang pamilya ng Rizal, hindi niya iniiwan ang kanyang trabaho. Yup, you read it right. Kung tutuusin din, manghingi lang siya ng pera sa kanyang daddy - former senator Ramon Revilla, puwedeng umupo na lang siya sa bahay nila sa Valle Verde at mag-alaga ng unica hija nila ni gov. Pero iba ang disposisyon ni Mrs. Ynares, mas gusto niyang mag-trabaho. “Iba kasi pag may trabaho, ‘yung may sariling kita,” kuwento ni Mareng Andeng kahapon nang makaku­wentuhan namin sa birthday celebration ng kanyang esposo sa bagong Kapitolyo ng Rizal na parang White House ang style (walang gastos ang Rizal government dahil ang Ortigas Group ang nagpagawa ng building na siguradong kung ilang milyon din ang halaga) na ininagurate kahapon din.

Dahil sa sobrang dami ng responsibility niya - wife, mother, daughter, halos dalawang oras na lang silang magkita ng asawa sa bahay nila sa Valle Verde.

Minsan, siya pa ang nagi-effort na umuwi ng maaga para maabutan niyang gising ang asawa.

Nag-aalaga pa siya ng baby - si Cassandra na mahigit one year old na.

Pero kahit ginagawa na niya ang lahat, kapos pa rin ang oras ng kapatid ni Sen. Bong Revilla. Hindi na niya regular na madalaw ang kanyang ama na ngayon ay nakakatayo na, pero hindi pa nakakalakad matapos ang matinding atake sa puso kamakailan. Eighty three na si ex-senator. Noon kasi, siya ang kasa-kasama ng ama sa lahat ng lakaran. Minsan nga raw, kahit hatinggabi na, dumadaan siya sa Cavite para makita ito.

Anyway, apat na anak ang gusto nila ni Junjun. Pero nakakaisa pa lang kaya nagmamadali na ang mag-asawa.

Minsan nga, iniisip na nilang pumunta ng Singapore para magpa-in vitro - kambal agad sana. Pero susubok muna uli sa doktor nila dito bago mag-try sa Singapore kung saan daw effective ang in vitro.

Marami na kasing kilalang showbiz and non-showbiz personality na sumubok sa Singapore. Luckily, nagtagumpay sila. Mga nabuntis kahit medyo mahal. Marami sila, promise...

* * *

In ngayon ang reunion concert sa mga dating magdyowa o magkakasing henerasyon. Ilan dito ay ang Golden Divas nina Pilita Corrales at Carmen Pateña; ang ’80s idols na sina Gino Padilla, Louie Heredia, Raymond Lauchengco at Randy Santiago in Greatest Hits of the ‘80s; and ’70s singers na sina Victor Wood, Jun Polistico and Anthony Castelo in The Great Balladeers at ang pinakahuli nga ay ang reunion concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera.

 Ang susunod na magkakaroon ng reunion concert this March 7 ay sina Dingdong Avanzado at Rachel Alejandro. Ang kanilang muling pagsasama ay pinama­gatang Music and Lyrics at gaganapin sa Metro Bar West Avenue Quezon City sa Sabado.

Songs from the eighties and nineties ang kakantahin sa concert. Bukod sa kanilang mga solo at duet spots, maraming production numbers din sina Dingdong at Rachel ng mga latest hits.

Siyempre kakantahin nila ang 1995 Awit Award Song of the Year at Best Ballad Recording of the year na Paalam Na na may music ni Dingdong at lyrics ni Rachel. Ang collaboration na ito ang naging dahilan kung kaya’t Music and Lyrics ang naging titulo ng concert.

 Manonood ng concert si Jessa Zaragoza. Hindi siya guest sa production - manonood lang siya kaya walang agawan ng eksena.

Balitang nasa bansa rin ang ina ni Rachel at mano­nood kasama ng asawa niyang Amerikano. Matagal-tagal na rin hindi napanood ng Mommy niya si Rachel sa isang concert kaya tuwang-tuwa si Rachel na nagkataon na may show siya habang nandito ang nanay niya.

 Sa mga gustong magpa-reserve tumawag kayo sa 09178AVENUE or 7228847. (SALVE V. ASIS)

Show comments