^

PSN Showbiz

Singers/artistang adik sa kape gustong parangalan ang coffee farmers

-

MANILA, Philippines - Buong taong nagsisikap ang mga coffee farmers na mabigyan tayo ng kape araw-araw kaya nararapat lang silang kilalanin at parangalan.

Ito ang buod ng testimonya ng mga artists na nagtanghal sa Market Market at Trinoma kamakailan kaugnay ng paglulunsad ng Nescafe Classic First Pick.

Sinabi nina Jaya, Nyoy Volante, Paolo Contis at Sheryn Regis na ipinag­mamalaki nilang maging bahagi ng okasyon na nagbibigay ng parangal sa mga Pilipinong coffee farmer.

“Masaya akong malaman na umiinom tayo ng sarili nating kape. At masaya ako na pinararangalan at tinutulungan ng Nescafe ang mga taong ito,” sabi ni Jaya na isa ring manginginom ng kape.

Sabi naman ni Nyoy, “Magandang malaman na ang kape na iniinom mo araw-araw ay hindi gawa sa makinarya kundi mula sa kamay ng mga tao na maaaring nakita mo na o nakilala minsan.”

“Malakas akong uminom ng kape,” sabi naman ni Paolo. “Nakakatuwang malaman na, sa pag-inom mo ng kape, tinutulungan mo rin ang mga magbubukid natin,” dagdag pa niya.

Pinuna naman ni Sheryn na nakakatulong sa libu-libong coffee farmers ang mga manufacturer na tulad ng Nescafe. “Kung walang manufacturer na tulad nila, maaaring wala ring mga coffee farmers,” sabi pa niya. 

BUONG

JAYA

MARKET MARKET

NESCAFE

NESCAFE CLASSIC FIRST PICK

NYOY VOLANTE

PAOLO CONTIS

SHERYN REGIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with