Fans club ipinagtanggol sina Marian at Dingdong
Iba na talaga ang mga tagahanga ngayon, all out sa pagtatanggol sa kanilang mga idolo. Huwag mong kantiin ang kanilang mga hinahangaang artista at siguradong papalag sila.
I wrote favorably sa magaling na pagganap ni Agot Isidro sa teleserye ng ABS-CBN, ang Tayong Dalawa.
Ganun kasi ako, kapag nagalingan ako sa performance ng isang artista, I write about it, nagbibigay ako ng papuri. Akalain ko ba na may isang TV viewer na magi-email at kokontra sa mga obserbasyon ko.
Iginagalang ko ang opinyon niya, dapat igalang din niya ang opinyon ko. Ang hindi ko lamang malaman ay kung bakit nagagalingan siya sa lahat ng mga gumaganap sa nasabing serye, maliban kay Agot na aniya ay overacting?
* * *
Isang avid fan naman ni Heart Evangelista na nagngangalang Pauley Vecino ang super puri sa programa nitong Fashionista By Heart. Sayang at hindi ko pa ito napapanood, kaya hindi ako makapagbigay ng aking opinyon, pabor man o hindi.
Hindi lamang si Heart ang pinupuri ng fan kundi ang buong palabas, ang mga co-workers ng aktres na sabi niya ay magagaling din. She specifically made mention of Jocas de Leon. Hindi na raw siya magbabasa ng mga fashion mags dahil kumpleto na ang mga topics na napapanood niya sa show.
May last request siya sa GMA 7, sana raw ituloy ang pagpapareha kina Heart at Dennis Trillo. Wish din niya na makapareha nito ang Sole Survivor na si JC Tiuseco.
* * *
Ang Global Fans naman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na naka-base sa Alberta, Canada ang nagpadala ng liham ng pagtatanggol sa dalawang artista sa inaakala nilang walang patumanggang paninira, lalo na kay Marian, ng kanilang mga detractors at sa bagong teleserye ng magka-loveteam na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.
Sa pamamagitan ng miyembrong si Malou Gallienne, ipinasasabi nila na ang mga negative write ups ay may layuning pabagsakin ang tandem nina Dingdong at Marian. Ginagawa itong krusada ng mga detractors, lalo na ng aktres.
“In our opinion, walang kasalanan si Marian sa press people, there may be shortcomings when it comes to press relations pero hindi ito isang kasalanang maituturing ni Marian. It is something that her manager, handlers, or GMA overlooked. Remember she is barely new, walang pamilya o koneksyon o kaalaman ng kalakaran sa industriyang kanyang pinasok. She is occupied and busy doing her job as an actress and performer.
“Anyway, contrary sa mga nasusulat, we are very happy and excited about Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. We are very proud of Dingdong and Marian. We do not understand why the program is shown very late in the evening because there is nothing in it that can offend younger viewers,” ang sinulat ng grupo.
* * *
Walang magiging problema si Jodi Sta. Maria kapag nagkaro’n siya ng project with ex-boyfriend Baron Geisler. Binibigyan kasi ng kulay ng ilan ang naging relasyon nila ni Baron ngayong nagbabalik telebisyon na naman siya at kasama sa Tayong Dalawa na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Jake Cuenca at Kim Chiu.
Maligaya na sa kanyang buhay may-asawa si Jodi at mayro’n na silang isang supling ng anak ni Sen. Panfilo Lacson. Ito ang dahilan kung bakit hindi naiilang si Jodi na mapag-usapan ang nakaraan nila ni Baron.
“Mabait siyang tao. Walang problema kung magkasama kami sa isang proyekto gaya dito sa Tayong Dalawa. Magaling siyang artista at matagal na kaming hindi nagkakatrabaho,” paliwanag niya.
Bukod sa kanyang pag-aartista at pagiging maybahay at ina ng kanilang tahanan, may dalawang negosyong pinagkakaabalahan si Jodi, ito ang manukan business nila. Supplier sila ng hilaw at lutong manok. Pero mas nag-aasikaso dito ang kanyang asawa, katulong lamang siya. Ganundin sa kanilang beauty parlor, isang franchise ng Bambbi Fuentes Salon.
“Mayro’n ding sariling negosyo si Pamfi, na mga kaibigan naman ang ka-partner niya,” imporma ni Jodi.
- Latest