May mga lumilitaw na ngayong detractor si Sarah Geronimo dahil hindi mapigilan ang lakas sa takilya ng kanyang latest movie na You Changed My Life.
Mismong mga showbiz insiders na ang nag-predict na aabot sa P250 million ang kita ng You Changed My Life dahil sa lakas nito sa mga sinehan.
In fact sa Trinoma, nagdagdag daw ng sinehan dahil jampacked lahat. Four theaters na ito palabas, habang lima sa Megamall.
Kahit sa sosyal na Rockwell ay punuan daw ang sinehan sabi ni Tita Dolor Guevarra na hindi naman usually tinatao dahil mga sosyal ang karamihang nanonood ng sine doon.
Pero this time, pumila pati mga sosyal at naki-Bebeh Ko.
At dahil maganda ang kita sa takilya at pinupuri ang acting ni Sarah, ayun may ilan-ilang lumalabas na hoping na masisiraan nila ang alaga ni Mr. Vic del Rosario.
“Hindi na dapat pinapansin ang mga nagsasalita against Sarah. Magpasalamat na lang tayo sa Diyos,” sabi ni Mr. Del Rosario.
True naman.
Bibihira ang pelikulang kumita ng ganoon kalaki.
Kuwento ng isang source, ang dalawang pelikulang Tagalog na malaki ang capital kahit kumita sa takilya ay hindi pa rin kumita ang producer. Break even lang daw dahil malaki rin ang ginastos nito sa production. Eh itong pelikula ng Star Cinema, super bongga sa lakas.
Last Sunday daw ay kumita ito ng P30 million, yup, isang araw lang!
Saturday ay P27 million daw ang kita nito na ikinagugulat ng mga taga-showbiz.
Anyway, tama naman si Mr. Del Rosario, hayaan na lang natin ang ilang detractor ni Sarah. Sa laki nga naman ng kita ng You Changed My Life na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB), dedmahin na lang sila.
Narinig ko ngang sinabi ni Kris Aquino sa The Buzz na si Sarah ang bagong phenomenal multi-media star.
Bukod nga naman sa super winner sa takilya ang pelikula, siya rin ang puwedeng pumuno sa Araneta Coliseum at last week lang ay nag-uwi siya ng anim na trophy from MYX Awards.
* * *
Akala ko walang planong magsalita si Jomari Yllana tungkol sa break up nila ni Pops Fernandez, pero bakit may mga lumabas na tungkol sa paghihiwalay nila ng concert queen?
Pero siguradong walang aamin sa kanilang dalawa na pera ang dahilan. May nagkuwento na maraming factor pero numero uno ang pera na rason lalo na nga’t hindi tinawaran ni Jomari si Pops sa talent fee nito sa Missing You concert na ginanap sa Araneta Coliseum kamakailan. Tumataginting na P1 million ang bayad sa dating mag-asawa na bibihirang mangyari sa mga singers.
Usually pala, ’pag one-night concert, malaki na ang P500K na bayad sa performer. Pero nang sabihin daw nina Pops at Martin ang P1M na TF, hindi na nagdalawang salita ang producer ng Missing You concert.
Kumita naman daw sila Jomari pero malaki rin ang production cost ng concert.
Sayang lang dahil ang dami palang offer para sa Missing You tour sa America. Twenty two cities sana. At malaki-laki rin sana ang kikitain ng dalawa at maski ang produ. Pero mai-imagine mo kaya na magkakasama ang tatlo – Pops, Jomari, and Martin na magta-travel? Pero dahil nga hiwalay na sila, hindi na lahat tuloy yun.
Anyway, from the start talaga namang sinasabi nilang hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa dahil wala na sa plano ni Jomari na magpakasal.
* * *
True kaya na may OPM (oh promise me) ang ilang taong nag-convince kay Nina na magsalita sa Showbiz News Ngayon na mas dadalas ang labas niya sa ASAP once na magsalita siya tungkol sa utang ni Nyoy Volante sa kanya?
Ito raw ang naging bargain kaya ayun may I exposed niya ang utang ng dating dyowa. Kaya lang nega as in hindi maganda ang dating sa marami nang ginawa ni Nina.
Turned off sa kanya ang ilan dahil mahirap daw siyang ligawan. Any moment puwede siyang magdaldal.
* * *
Sad naman ako for Piolo Pascual. Opinion ng majority, mas sikat na sa kanya si John Lloyd Cruz ngayon. Mas marami raw kasing pelikulang kumita si John Lloyd kesa kay Piolo.
Lately daw kasi pawang hindi gaanong pumatok sa takilya ang movie ni Piolo na ang pinaka-last ay ang Love Me Again nila ni Angel Locsin. Wala kasing inilabas na official amount ang Star Cinema kung magkano talaga ang kinita ng pelikula kaya ang daming speculations. Ang bait pa naman ni Piolo.
* * *
Ang dami sanang kuwentong juicy sa birthday lunch na bigay ni Tito Ricky Lo for Tita June Torrejon sa Little Asia in Morato last Monday. Pero karamihan, off the record.
Present sa nasabing lunch sina Tita Virgie Ramos, may-ari ng Swatch stores sa bansa, Tito Douglas Quijano, Tita Dolor Guevarra, Ms. Girlie Rodis, Direk Boots Plata, Ms. Shirley Kuan, Tito Ricky Lo, Tito Ronald Constantino, Tita Ethel Ramos, Tito Raoul Tidalgo, myself at humabol si Ian Fariñas.
Ang bongga ng tsikahan portion dahil maraming alam na off the record na kuwento sina tita June, tita Dolor, tita Ethel and tito Douglas, pero ‘di nga puwedeng isulat.
Anyway, belated happy birthday Tita June. Two months ago nang ma-ospital si Tita June at ilang beses siyang na-opera. Pero mabait ang Diyos kay Tita June.
Ngayon, parang wala nang trace na na-opera siya at nagkasakit. Bumalik na sa dati ang kanyang weight at naka-schedule na naman siyang mag-travel para samahan sina Gov. Vilma Santos and Luis Manzano sa shooting ng mag-ina sa New York para sa first film nila together with John Lloyd Cruz.
* * *
OMG as in Oh My Girl! na ang final title ng movie nina Judy Ann Santos and Ogie Alcasid sa Regal Films na si Regine Velasquez ang script writer.
* * *
Nagkaroon kahapon ng mass, 5:00 p.m. sa Heritage Park sa first birthday ni Kuya Rudy Fernandez na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.