Sa hirap ng buhay, bag na milyones hindi na dapat ibinabandera

Sana wala nang aberyang mangyari sa pangalawang reunion concert ng The Eraserheads. Marami pa rin ang hindi nalilimutan ang nangyaring pag-collapsed ni Ely Buendia habang ginaganap ang naunang reunion concert kaya hindi ito natapos.

Balik na ang kalusugan ng dating namumuno ng E’heads at sana makayanan niya ang excitement na ibibigay ng muling pagsasama-sama nila nina Buddy Zabala, Marcus Adoro at Raimund Marasigan.

O, ’di n’yo akalain na alam ko ang pangalan ng bawat miyembro ano?

Sa Sabado na ito sa Mall of Asia concert grounds, may tiket na ba kayo?

* * *

Ang dami namang magagandang istorya sa showbiz pero ewan ko ba kung bakit masyadong binibigyang importansiya ‘yung mga masyadong mamahaling gamit ng ilan nating artista. Sa hirap ng buhay ngayon, mas lalong mararamdaman ng marami ang kanilang kahirapan dahil halos wala nang makain ang marami pero may iilan na nakapagtatapon ng pera sa simpleng bag lamang.

Biruin n’yo, mga bag na nagkakahalaga ng isa at tatlong milyon. Kung sabagay sa mga may pera hindi naman ito gano’n kamahal, nagmamahal lamang kapag nabili sa halaga ng dolyar na mahigit na halos singkwenta pesos ang halaga ng isang dolyar.

Okay si Anne Curtis na umiiwas pag-usapan ang halaga ng isinuot niyang headband na P35,000. Kayang-kaya niya ang halaga dahil hardworking naman siya pero siguro alam niya na baka kainggitan lamang ito.

* * *

 Agree ako sa ginawang paghingi ng tawad ni Vice Ganda sa hindi magandang salita na binitawan niya nang may manghingi ng reaksyon/opinyon niya tungkol kay Bebe Gandanghari. Sa ginawa niya, matitigil nga naman ang intriga sa kanila.

Inaalam ko pa ang mga sinabi raw ni Mother Ricky Reyes kay Bebe Gandang­hari rin, pero sigurado ako, hindi siya nagmamagaling. Nagsabi lamang siya ng opinyon niya dahil hinihingi ito. Kung nakasakit siya ng damdamin, siguro it was meant to be. Hindi naman kasi siya intrigera.

* * *

Ang dami-daming hosts sa SOP. Mabuti na lamang at lahat sila ay nabibigyan ng equal exposure. Mahaba kasi ang oras ng show. Maski na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, andun na rin. Si Dingdong balik sa pagiging host. Kailan naman kaya babalik si Richard (Gutierrez)?

Napanood ko si Sunshine Dizon nung Sunday sa SOP din. Ang laki na ng ipinayat niya. Nagmukhang bata rin siya. In the past, parang pinatatanda ang itsura niya. Sa SOP nakita kung gaano siya kabata. Sana mamintina niya ang bago niyang size and shape.

Show comments