I-reformat: Show ni Sharon boring na!

SEEN : Nagiging boring at predictable na ang Sunday show ni Sharon Cuneta. Oras na upang i-reformat ang programa.

SCENE : Ang kanilang mga ina ang common denominator nina Boy Abunda at John Lapus. Ang nanay ni Boy ang nagsumbong sa kanya nang husgahan siya ni Dr. Vicki Belo sa Showbiz Central. Ang nanay ni John ang nagsumbong sa kanya nang banatan siya ni Jobert Sucaldito sa radyo.

SEEN : Hiwalay na sina Pops Fernandez at Jomari Yllana.

Magkaibigan sina Jomari at Martin Nievera. Maaari na silang ‘mag-compare notes.’

SCENE : Ang rebelasyon ni John Lapus na dating nagtatrabaho si Jommy Teotico bilang waiter sa restaurant na pag-aari ng ABS-CBN TV executive na si Deo Endrinal. Si Jommy ang winner sa Pinoy Fear Factor.

Nahaluan ng pagdududa ang tagumpay ni Jommy.

SEEN : Ang civil wedding ni Arnel Pineda at ng kanyang asawa noong December 2008.

Madalian ang kasalan dahil busy na si Arnel sa concert tour nila ng Journey band.

SCENE : Ang press release ni BB Gandanghari na wala siyang sariling cellphone.

 Ang pre-paid cellphone ng kanyang P.A. ang ginagamit at ito rin ang numero na ibinibigay ni BB sa mga nagtatanong ng contact number niya.

SEEN : Hindi makakatulong sa career ni Ara Mina ang isyu na milyones ang utang niya sa kapatid na si Cristine Reyes.

 May mga personal na isyu na hindi na dapat ikinukuwento sa press people at telebisyon.

Show comments