Seen : Si Alfred Vargas sa domestic airport. Papunta si Alfred sa taping ng Dear Friend sa Dakak Resort. Sa Huwebes ang balik ng buong cast sa Maynila.
Scene : Ang Pinoy Idol finalist na si Mae Flores ang nag-revive ng Dapat Ka Bang Mahalin, ang kanta na pinasikat ni Sharon Cuneta.
Hindi napantayan ni Mae ang magandang version ni Sharon.
Seen : Binabatikos na ang pagpapalabas sa UP Film Center ng mga gay-oriented movie na nagpapanggap na indie movies.
Ang Seen Scene ang unang nakapansin sa mga lumalaswang mga indie movie na ipinapalabas sa UP Film Center.
Scene : Hindi pa man sumisikat, hindi na pinag-uusapan ang bold actor na si Marco Morales.
Si Marco ang kinikilalang Frontal Nudity King ng mga indie movie. Maliban sa walang takot na paghuhubad, hindi pa nakapagpapakita ng acting talent si Marco.
Seen : Nagagalit (o naiinggit?) kay AiAi delas Alas ang fans ni Piolo Pascual dahil sa pagdaklot niya sa harap ng aktor sa Pop Icons concert.
Umaapela ang fans ni Piolo sa management ng ABS-CBN na patawan ng parusa si AiAi.
Scene : Si Monti Parungao ang direktor ng gay indie movie na Sagwan at siya rin ang direktor ng Survivor Philippines na under ng News & Current Affairs ng GMA 7.
Kung mapapanood ng mga GMA boss ni Monti ang mga eksena nito sa Sagwan, baka magdalawang-isip sila na ibigay sa kanya ang pamamahala sa Season 2 ng Survivor Philippines.
Seen : Ang magkahawig na trailer ng Sundo ng GMA Films at T2 ng Star Cinema.
Nag-deny si Chito Roño na ginaya niya ang trailer ng Sundo.
Si Chito ang direktor ng T2. Si Robin Padilla ang bida sa Sundo at si Maricel Soriano ang lead star ng T2.