Talent sinibak na ng Star Magic sa dami ng isyu

Had he lived, Rudy Fernandez would have turned 57 this March 3, Tuesday.

Tulad ng napagplanuhan na, isang misa ang idaraos sa puntod ng nasirang aktor sa Heritage Park, but the mausoleum will not see full completion until after Daboy’s birthday. Ayon sa maybahay nitong si Lorna Tolentino, pinag-iisipan pa raw niya (in consultation with the architect) ang porma ng mga pintuan at bintana. Ipababago rin daw ang maling specifications ng flooring nito.

Given the achieved look, very ideal daw ang istraktura na ’yon sa overnight stay ng mag-iina. Puwede rin daw itong maging study room ng anak ni Ms. LT na si Renz given its tranquil ambience.

Sa ngayon, plano ni Lorna na magpatayo ng bagong bahay na titirhan nilang mag-iina. Since Rudy’s death on June 7 last year, Lorna hardly altered any fixtures in their White Plains residence, maging ang mga gamit daw ng kanyang asawa’y intact pa rin. Mangyayari lang daw ito ’pag nilisan nila ang tirahang ’yon, but it is not forthcoming dahil nag-iipon pa raw siya.

* * *

Melissa Ricks is 19 years old, hindi na underage pero pinangungunahan niya ang cast ng TV version ng Underage. Melissa breathes life sa karakter na ginampanan noon ni Dina Bonnevie in the Joey Gosiengfiao-megged film noong 1980.

Bale siya ang ate ng dalawa pa niyang mga kapatid na sina Empress Schuck (as Cecilia na pinapelan ni Maricel Soriano) at Luaren Young (as Corazon, Snooky Serna’s role).

Personally, nae-excite ako sa TV version ng Underage as it brings back college memories. Mga ganito kasing genre ang uso noon, such teen movies na nakatakdang ipalabas ng Your Song Presents ng ABS-CBN in the coming months.

Tatalakayin ng direktor nitong si Manny Palo ang mga karaniwang kuwento ng kabataan amidst their dreams. Magsisimula na ang Underage ngayong araw pagkatapos ng ASAP.

* * *

Noon pa palang December 2008 sinibak sa Star Magic ang isa nitong artist who’s with GMA 7.

Bagama’t nasa press release ng naturang departa­mento ang nilabasan nitong entry noong Metro Manila Filmfest, that was to be last announce­ment na may kaugnayan ito sa kanila.

Simple lang daw ang naging desisyon ng pagkakatsugi sa artista na ’yon. Hindi na raw kasi masikmura ng ABS-CBN ang mga katsipang isyung kinasasangkutan nito, partikular na ang pagkakaroon nito ng violent streak lalo’t lasing.

Show comments