Bagong cellphone ni Alyssa naitapoN ni Alvin

MANILA, Philippines - Kararating lang ni Alvin Fortuna mula sa bakasyon sa London. Si Alvin ay isang ramp, print ads & commercial model endorser bago siya pumasok sa showbiz. Ang naka-discover sa kanya ay si Direk Maryo J. Delos Reyes.

Alaga siya ngayon ng controversial manager na si Lito De Guzman. Guest siya sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at nakasali rin siya sa Gagambino. Marami ang humanga sa kanya nang una siyang ipakilala sa first fantaserye ng telebisyon bilang si Randolph ng Marina, isang scuba diver.

Ngayon ay nakikita na siya sa bakuran ng GMA 7 kung saan ay huling nagawa niya ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita bago nga siya nagpunta ng London.

Tinanong agad namin kung nakitaan ba niya ng kamalditahan si Marian Rivera sa set? “Mabait siya. Mabait naman siya sa aming lahat,” mabilis niyang sagot. “Yung mga eksena ko kasi, silang dalawa ni Dingdong (Dantes) yung nakakasama ko. Kaya masasabi ko na okey naman siya, mabait, at saka palangiti. Palagi siyang naka-smile sa amin,” aniya.

Puring-puri naman niya si Alyssa Alano na kasamahan din niya sa serye. Naitapon niya kasi ang bagong modelo na cellphone ng sexy actress na two days pa lang nabibili. Nakapatong ito sa silya na hindi niya napansin at humagis nu’ng kunin niya ang silya. Hindi nagtaray si Alyssa pero hiyang-hiya si Alvin. Buti naman hindi nasira pero papalitan naman niya ‘yun kung nagkaroon ng depekto. Kung iba-iba raw ‘yun, baka may narinig na siyang hindi maganda.

Sinabi rin niya na bilib siya kay Direk Joyce Bernal dahil magaan itong katrabaho sa set at maganda talaga ang naturang serye.

Tinanong din si Alvin kung wala ba siyang balak na gumawa ng nude scene sa mga indie movie at gumawa ng gay films.

“Actually, maraming indie films na offer. Kaya lang, may mga offers kasi na hindi ko pa kayang gawin. Since nagko-commercial din ako, minsan hindi ka na kukuhanin sa commercial,” paliwanag niya.

As of now, ayaw din niyang makipag-kissing scene sa kapwa niya lalaki. Pero nakalabas na siya sa isang indie movie, ang Recados. Pero ayon sa pagtatapat niya: “Ang pinaka-daring na nagawa ko talaga, hindi pa lumalabas. Yung kay Bebe Gandanghari before na Rustom Padilla siya, nagdidirek-direk siya. Kasama ko rito si JE Sison na naghubad-hubad kami.”

Ayon kay Alvin, hindi raw natuloy ang movie na supposedly ay pinagpipilian sila ni JE kung sino ang magiging lead at second lead. Pero ang natuloy at ginawa raw niya ng buo ay ang sensuality workshop at test school para sana sa naturang pelikula.

Show comments